^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PUVs na magtataas-pasahe tanggalan agad ng prankisa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PUVs na  magtataas-pasahe  tanggalan agad  ng prankisa

UMAABUSO na. Hindi pa nararamdaman ang impact ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa petroleum products pero may mga ganid nang driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) na pumuporma nang magtaas ng pamasahe. Sabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mananagot ang sinumang magtaas ng pasahe sapagkat hindi pa sila nakakatanggap ng hike petition. Kailangang may petisyon sa pagtataas ng pasahe at saka lamang kikilos ang LTFRB. Hindi basta-basta makapagtataas ng pasahe ang PUVs. Ayon sa LTFRB, ang sinumang driver at operators na magtataas ng pasahe ay papatawan ng multang P5,000 sa unang offense at sa ikalawang offense ay kanselasyon ng prankisa.

Masyado namang ganid ang ilang operators ng PUVs. Gaya ng mga operator ng UV Express na may biyaheng Meycauayan, Bulacan patungong Quezon City. Nag-abiso ang mga ganid na UV Express na magiging P50.00 na ang pasahe nila mula Meycauayan hanggang Quezon Avenue, Quezon City.

Maraming pasahero mula Bulacan ang umalma sa abiso ng mga ganid na UV Express drivers at operators. Masyadong maaga ang kanilang pagpapataw ng dagdag gayung hindi pa nga nararamdaman ang TRAIN sa petroleum products. Ayon sa LTFRB, isumbong o i-text ang mga UV Expresss at iba pang PUVs sa kanila at gagawa sila  ng aksiyon. Hindi raw nila hahayaang makapagsamantala ang mga PUVs.

Dapat namang ipaalala ng LTFRB sa PUVs na hindi basta-basta magtataas dahil may sinusunod na batas ukol dito. Sana, mamonitor ng LTFRB ang galaw ng mga ganid na driver at operator. Kawawa naman ang publiko na magbabayad nang mahal na pamasahe kahit wala pa namang legal na utos ukol dito. Sampolan sana ng LTFRB ang mga ganid at hidhid na PUVs operators para hindi pamarisan.

vuukle comment

EXCISE TAX

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION (TRAIN)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with