^

PSN Opinyon

Kalaboso sa hiniram na baby (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ITO ang kaso ng isang akusado na hindi naintindihan kung ano ang naging kaso niya. Sa kamalasan, gumamit tuloy siya ng depensa na kahit pa totoo ay walang silbi at walang naitulong sa kanya. Ito ang masaklap na kuwento ng negosyanteng dalaga na si Myla. 

Isang regular na customer sa parlor si Myla kung saan nagtatrabaho naman si Karen bilang manikurista. Isang dalagang-ina si Karen na may tatlong buwan na gulang na sanggol, si Angel. Dahil walang kasama sa bahay ay dinadala niya ang bata sa trabaho, kaya nakatuwaan ni Myla si Angel at madalas na dinadalhan ng damit, gatas at pagkain.

Isang beses, pagkagaling sa pamamasyal sa tabing-dagat ay hiniram ni Myla si Angel para raw ibili ng damit, gatas at pagkain. Tiwala naman na ipinahiram ni Karen ang anak dahil madalas naman talagang magdala ng kung anu-anong gamit si Myla para sa bata. Iyon nga lang, hindi natupad ang pangako niya na isosoli sa hapon ang bata.

Mahigit dalawang buwang hinanap ni Karen si Myla at ang anak na si Angel hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula kay Myla na sinasabing isosoli na niya kinabukasan si Angel. Sumunod na araw ay hindi pa rin sumipot ang babae dahil daw nagkasakit ang anak nitong lalaki. Humingi rin siya ng P50,000.00 na diumano’y nagastos sa pag-aalaga kay Angel.

Nang hindi pa rin naisoli ang anak ay pinagsikapan na ni Karen na hanapin ang tirahan ni Myla. Natagpuan man ni Karen ang bahay ay wala naman doon si Myla. Katulong lang ang nasa bahay na nagsabing ilang araw lang na tumira ang sanggol doon. Nag-iwan na lang ng sulat si Karen para kay Myla na nagsasaad na kapag hindi pa rin naisoli ang kanyang anak ay talagang kakasuhan na niya si Myla.

Matapos humingi ng tulong sa mga pulis ay muling binalikan ni Karen ang bahay ni Myla. Wala pa rin doon si Myla pati na si Angel. Hindi rin sumipot si Myla nang ipatawag ng hepe ng pulis sa presinto.   Gumawa na tuloy si Karen ng sinumpaang salaysay at nagsampa ng pormal na reklamo laban kay Myla.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with