^

PSN Opinyon

Tuloy ang election sa 2019

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SANA lang ay walang halong kaplastikan ang mga pinagsasasabi ng mga alipores ni Pres. Rodrigo Duterte kahit na umano matunog ang usapan tungkol sa pagpalit ng porma ng gobyerno sa Federal System ay hindi ito magiging hadlang upang hindi matuloy ang halalan sa 2019. Tama ang sinabi ni Sec. Larry Roque na kung may babaguhin man sa saligang batas ay pwede na itong isabay sa 2019 election ang plebesito. Mukhang hindi nagkakasundo ang ating mga mambabatas ngayon dahil may iba’t-ibang bersiyon ng salita tungkol sa Federal System ng gobyerno.

Puwede namang isulong yang Federal System na yan huwag lang nilang harangin ang election sa 2019. Ang promoter sa no-el na yan ay si Speaker Pantaleon Alvarez. Hindi masama sa isang tao ang maging prangka sa pananalita pero mukhang nasobrahan itong si Speaker. Hindi ba pwedeng makipag palitan muna ng kuro-kuro bago mag-labas ng balita? Dahil ultimo si Pres. Digong ay gustong magkaroon ng election sa 2019. Ang dami ngayong kapalmuks dyan sa Kongreso, dati isa lang ang sinabihan ko sa nakaraang kolum ko ngayon nadagdagan na ng higit pa sa dalawa. Hindi kakagatin ng taong bayan yang no-el na yan dahil umaasa tayong may nangyayaring election tuwing ikatlong taon.

Sa tingin ko maaga pa upang ipagdikdikan yang Fe-deral System ng gobyerno. Mas maganda ang kalagayan natin sa demokrasya. Bakit kailangan pa itong palitan? Huwag sana nating kalimutan na bago natin nakamit ang demokrasya ay nagkaroon ng people power noong panahon ni Cory Aquino diba maraming nagbuwis ng buhay nung kasagsagan ng people power kung papalitan ang porma ng gobyerno mawawalan ng saysay ang ipinaglaban natin noon. Sabi nga sa kasabihan “If it ain’t broken, why fix it”?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with