^

PSN Opinyon

Multa sa traffic violation, pabigatin

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KAILANGAN taasan pa ang multa sa mga drivers na mahuhuli sa traffic violations sa mga kalsada partikular sa kahabaan ng EDSA - Caloocan, EDSA- Kyusi, EDSA - Mandaluyong, EDSA - Makati at EDSA - Pasay, para magtanda ang mga ito at madisiplina ng husto.

Bakit?

Sagot - dumarami ang mga barumbadong drivers sa kalsada kaya para madisiplina sila pabigatin ang multa.

Ika nga, wala ng illegal terminals, illegal vendors at illegal parkings na pinagkakakitaan ng mga kamoteng barangay officials at mga mangingikil na tauhan ng MMDA, isama na natin ang ilang tiwaling mga lespu sa kanilang mga area of responsibilities.

Halimbawa, P5,000 to P10,000 ang dapat penalty sa mga bus drivers na dadaan sa EDSA na humaharumba sa private lanes at P3,000 to P5,000 naman sa mga private vehicles ang multa na mahilig dumaan sa yellow lanes.

Sa laki ng multang ito tiyak titino ang mga drivers na hindi susunod sa ordinansa ng gobierno! 

‘Mas masaya pa kapag nahuli ka sa EDSA-Caloocan City dahil sa ginawa mong violation puede ka pa rin hulihin sa mga susunod na Lungsod basta lumabag ka pa rin sa traffic policies na ipinatutupad sa EDSA.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame. 

Sabi nga, sa bawat violation bayad ka sa multa.

‘Sino pa ang hindi titinong drivers na barumbadong lalabag sa batas trapiko sa mga kalsada at siempre sa EDSA. 

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang private vehicles na mga tsuper galing Caloocan na pumasok sa yellow lane ay agad hulihin at tikitan para pagmultahin. At kung muli itong lumabag sa batas trapiko ng mga oras na iyon at muling pumasok sa yellow lane sa EDSA- Quezon City, EDSA-Mandaluyong and so forth hulihin, tikitan at muling pagbayarin ng multa.

‘Ganito rin ang gawin sa mga barumbadong drayber ng mga bus.” sabi ng kuwagong maangas.

Ika nga, petmalu ito!

Kung tatlong beses siyang lumabag tatlong beses din silang pagmultahin.

Sa palagay natin ang mga matitigas na drivers ay lalambot sa ipapataw na multa sa kanila.

Ika nga, mapa-bus, kotse, dyip, motorsiklo, taxis at trucks kapag lumabag sama-sama together silang magmulta.

At kapag ipinatupad ang dagdag penalties  dapat hindi ito ningas-cogon lang.

Abangan.

BI sa airports huwag batikusin

LAST Christmas season hindi birong mga terorista este mali turista pala from different countries of the world, balikbayans at maging mga bakasyunista ang dumagsa sa NAIA international terminals para makita ang beauty of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, humaba ang pila sa departure at arrival counters ng Immigration sa NAIA at iba pang international airports.

Bakit? 

Sagot - nagka-problema ang bagong ipinatupad na fingerprint scan at facial recognition sa mga immigration counters.

Sabi nga, dati inaabot ng 10 seconds per assessment ang isang pasahero, nitong nakaraang peak season ay naging 40 seconds per assessment ang bawat pasahero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humihingi ng pang-unawa si Marc Red Marinas, hepe ng BI port operations sa mga nasampal este mali naapektuhan pala na mga passengers.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ang mga pasahero sa China at Hongkong ay hindi pumapalag sa mas mahabang pila na nararanasan nila doon sa mga immigration counters ?

‘Kung ang problema ay ang computers ng Immigration sa airports dyan sila nagsasabing....I’m sorry!’

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with