PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Electronic Pyrotechnic

PANAHON na para seryosong ikonsidera sa buong daigdig ang kumpletong pagbabawal sa lahat ng pyrotechnic mula sa mga rebentdor at lusis. Pihong kokontra dito ang mga nasa industriya ng paputok, pero talagang dapat nang humanap ng ibang maipapalit sa mga fireworks na sinisindihan.          

Ang electronic pyrotechnic ay puwedeng idevelop para ihalili sa tradisyonal na mga rebentador, lusis, kuwitis at lusis.

Matagal nang namumroblema ang buong mundo sa pagkasalanta ng kapaligiran na nagiging dahilan ng climate change. Sabihin man na tuwing Bagong Taon lang naman laganap ang paggamit ng mga paputok at pailaw, kung ikokonsidera ang dami ng mga taong nagpapaputok, sandamakmak na pollutants ang inililipad sa ere at nakakadagdag sa pagkawasak ng kapaligiran..

Nakasisiya naman na sa taong ito, malaki ang ibinawas sa mga nakatutulig na pagsabog tuwing bagong taon. Ito ay dahil sa executive order 28 na nilagdaan ni Presidente Duterte na nagbabawal sa mga malalakas na klase ng paputok.

Kahit sa Estados Unidos, ibinalita sa akin ng aking mga kaanak na nabawasan ang mga paputok sa Bagong Taong ito.

Mahirap baguhih ang tradisyon. Bahagi na ang mga pagpapaputok ng mga rebentador kapag naghihiwalay ang taon. Ang mga Chinese ay hindi lang tuwing bagong taon kundi kapag may espesyal na okasyon gumagamit ng fireworks.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero dapat ding isaalangalang, hindi lang yung mga napuputulan ng daliri o nabubulag dahil sa paputok kundi maging ang ating environment.

Mabilis ang pagasenso ng  mundo sa larangan ng teknolohiya. Sana, sana lang, maging high tech na rin tayo sa paggawa ng mga virtual fireworks na kumpleto sa mga effects ng pagsabog para patuloy pa ring maging masaya ang Bagong Taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: