PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tagumpay sa paputok

HAPPY New Year mga suki!

Tagumpay ang kampanya ng Philippine National Police at Department of Health sa paputok dahil bumaba ng 70% ang biktima nito sa buong bansa. Ayon kay DOH secretary Francisco T. Duque III, 191 lamang ang mga naputukan at siyam na sunog lamang ang naganap sa magdamag. Patunay lamang ito na makamandag ang laway ni Pres. Rodrigo Duterte.

Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay ang kampanya kung hindi tinutukan ng Philippine National Police (PNP). Naging mahigpit ang PNP kaya walang nakapaglatag ng firecrackers sa Bucaue, Bulacan. Naging katulong ng PNP ang barangay officials at tanod sa pagbabantay sa firecrackers stall kaya karamihan sa mga ito ay nagsara na lamang.

Sa Parañaque City, binulaga ng mga pulis ang mga tindahan ng paputok dakong 9:00 ng gabi kaya lahat nang inilatag na bawal  na firecrackers ay nasimot. Pruweba ito na ang kautusan ni Digong ay hindi basta-basta nababali kaya si NCRPO chief  Dir. Oscar Albayalde ay walang humpay ang pag-iikot sa Metro Manila upang personal na inspeksyunin ang mga tindahan ng papu­tok. Ang masakit nito sa Davao na mismong teritoryo ni Digong, 50 bahay ang nasunog dahil sa kuwitis.

Apat na drug suspects naman ang nahuli sa buy-bust operation sa Quezon City. Kinilala ni QCPD director C/Supt. Guillermo Eleazar ang mga tulak na sina Nina Recio, Michael Franz Carag, Sarah Jane Sibayan at Dianne Eloisa Estrella. Nahuli sa kanila ang 20 sachets ng cocaine, 200 tablets ng ecstasy at apat na botelya ng liquid Ecstasy na ang halaga ay P1 milyon.

Nalambat ang apat na tulak ng matapos na makatanggap ng impormasyon ang District Drugs Enforcement Unit sa pangunguna ni C/Insp. Ferdie Mendoza na ang grupo ang nagsusuplay ng droga sa showbiz personalities. Nagpanggap ang isang pulis na buyer at nagkasundo na mag-aabutan sila ng droga sa parking lot ng Yam-Cha Restaurant sa Timog Avenue dakong 7:45 ng gabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nang abutin ang marked money, doon na sila sinunggaban ng mga operatiba ni Mendoza. Subalit likas na sinungaling ang mga tulak dahil ng nasa Camp Karingal na, todo tanggi ang mga ito. Inakusahan nila ang mga pulis na dinala lamang sila sa naturang lugar. Ngunit hindi nila napaikot si Eleazar dahil kitang-kita sa CCTV footages ang transaksyon at abutan ng droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: