^

PSN Opinyon

Mabuting balita, masamang balita

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman at natagpuan na ang dalagita na nawala noong Huwebes. Natagpuan siya sa tulong ng social media nang kumalat ang kanyang pagkawala. Nakita siya sa tabi ng karinderia sa San Pablo, Laguna, umiiyak. Ipinaalam kaagad sa mga otoridad, at nang kumpirmado na siya nga ang nawawalang bata, itinawag kaagad sa mga magulang na agad siyang pinuntahan. Hindi pa alam kung ano ang nangyari sa bata at umabot sa Laguna. Ayon sa mga pulis, hindi ito kaso ng kidnapping. Magbibigay ng pahayag ang pamilya sa tamang panahon. Sa ngayon, masaya lang sila na bumalik sa kanila ang bata. Magandang Pasko para sa kanila.

Pero may mga hindi nakaranas ng magandang Pasko. Nasunog ang isang mall sa Davao City noong Sabado na ikinamatay ng 37 empleyado ng isang kompanya. Hindi pa alam ang dahilan ng sunog. May imbestigasyon na para alamin kung may dapat managot sa trahedya. Umabot naman sa 200 ang namatay dahil sa Bagyong Vinta. Namatay ang mga biktima dahil sa mga baha at pagguho ng lupa. May mga nawawala pa. Napakalungkot naman ng mga pang­yayari, sa panahon ng kasayahan. Ipinagdasal ni Pope Francis ang mga namatay dahil sa Vinta.

Nakaraos ang Pasko. Ang pagpasok naman ng bagong taon ang hinihintay. Sana naman ay wala nang maganap na mga trahedya. Sana mabawasan ang mga masasaktan dahil sa paputok. Ngayon pa lang ay may tala na ang DOH ng mga nasaktang bata dahil sa paputok. Ang piccolo na naman ang salarin. Hindi ko alam kung bakit pinapayagan pa ng gobyerno ang pagbenta ng paputok na ito, kung napakarami ang nagi­ging biktima. Pinagdadasal ko rin na walang matamaan ng ligaw na bala. Sana ay walang magpaputok ng baril. Kung may magpaputok man, sana mahuli agad ng mga otoridad.

Sa kabila ng lahat ng pangyayari, nais kong batiin ang lahat ng Maligayang Pasko! Maging maingat sa lahat ng ga­wain, at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap sa 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with