^

PSN Opinyon

The Best Gift

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PASKO ngayon kaya bayaan ninyong batiin ko kayo ng isang mabiyayang pagsilang ng ating Mesiyas.

Malungkot ka ba dahil nagbigay ka pero wala kang tinanggap na regalo? Cheer up! Ang sabi ng Salita ng Diyos, “higit na mapalad ang nagbibigay kaysa binibigyan.”

Isa pa, dapat tayong magalak dahil tinanggap na natin ang pinakadakilang regalo sa ating buhay. Isang handog na pangwalang-hanggan, at ito ang pagpapatawad at muling pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus na ginugunita natin ang pagsilang ngayon.

Pinatawad ng Ama ang ating mga sala para tayo ay matutong magpatawad din sa mga nakasakit o nagka­gawa ng mali sa ating. Love and forgiveness are the very essence of Christmas day.

Tandaan natin na panahon ito, hindi lang ng pagtanggap ng kapatawaran kundi pagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin.

Sa ganyang paraan ay naipakikita natin na taglay natin ang Panginoong Jesus sa ating puso. Hindi tayo puwedeng mapatawad kung hindi tayo marunong magpatawad.

Ang Pasko ay hindi tungkol sa mga material na aginaldo. Ang mga material na bagay ay lubhang mababaw kumpara sa dakilang handog ng Diyos sa atin. Ang mga ito ay naluluma at nawawala. Ang biyaya ng Dios ay walang katapusan.

Kaya nga, sa kasaganahan man o karalitaan, dapat nating gunitain ng may pasasalamat at pagmamahalan ang pagsilang ng ating Mesiyas na si JesuCristo.

Sa kabila ng ating karumhan, minarapat tayong patawarin at muling iniugnay sa Kanya para tayo maging karapatdapat na tagapagmana ng Kanyang kaharian.

Maligaya at Mabiyayang Pasko sa inyong lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with