^

PSN Opinyon

Pasko pansamantalang natigil ang World War I

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BISPERAS ng Pasko 1914 -- Paglubog ng araw nagkantahan ng carols ang mga sundalo sa magkabilang trenches sa northern France: French at British laban sa Germans. Makalipas ang ilang awit naging paligsahan ang pagkanta nila, at pinapalakpakan nila ang isa’t isa. Nagtatawanan sila sa maling tono at pakuwela. Nang maghating-gabi, nambato ang isang German ng chocolate bar sa kalaban. Pinukol naman sila ng sigarilyo. Nagsitayo ang magkakalaban, binitiwan ang mga riple, at nagpukolan ng iba’t iba pang pagkain. Sumigaw ang isang sarhentong British na maari silang maghila ng mga sugatan at maglibing ng mga patay hanggang alas-4 ng madaling­ araw. Dali-dali nagsiakyat sila mula sa trenches para nga isalba ang mga sugatan at maghukay ng mga libi­ngan. Wala ni isang putok ang narinig. Nagpalitan pa nga ng gamot pangsugat ang magkabilang panig. Tanghali na ng Dis. 28 nang muling sumabog ang mga kanyon.

Nabatid sa ilang oras ng kapayapaan na sila nga pala ay magkakapatid sa sangkatauhan, mga anak na likha ng iisang Diyos. Nabatid na walang idinudulot ang digmaan kundi kahirapan at kamatayan -- maliban sa mga ganid na negosyante, mga gumagawa ng armas at bomba, na yumayaman sa giyera.

Daan-daang kuwento ang nailathala tungkol sa Christmas Truce 1914. Naganap ito nang walang plano sa milya-milyang trenches. Nagbunsod ng marami pang tigil-putukan sa mga sumunod na buwan. Depende sa tindi o kawalan ng labanan, kung minsan ay nagbabatian ang magkabilang panig o kaya’y nag-iiwan ng pagkain at gamot sa pinagkasunduang pook tuwing dapit-hapon. Sa matatahimik na bahagi, nagpapalitan pa sila ng balita tungkol sa paborito ng lahat na soccer. O kaya nagpapaabot ng liham sa mga nobya sa kabilang bansa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with