^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pag-asa sa kabila ng mga trahedya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pag-asa sa kabila  ng mga trahedya

SUNUD-SUNOD ang mga nangyaring trahedya bago ang pagdiriwang ng kapanganakan ng Mananakop. Pinaka-latest ay ang pananalasa ng Bag­yong Vinta sa Mindanao partikular sa mga probinsiya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Bukinon. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) umabot na sa 133 ang namatay dahil sa pagkalunod nang umapaw ang mga ilog sa nabanggit na lugar. Marami pang hinahanap na pinaniniwalaang namatay dahil sa flash flood at landslides.

Hindi pa natatagalan ang pananalasa ng Bagyong Urduja na nanalasa naman sa Eastern Visayas na ikinamatay ng 54 katao at may 24 pang nawawala. Pagguho ng lupa ang ikinamatay nang maraming residente particular sa Biliran kung saan gumuho ang bundok at nalibing nang buhay ang mga naka­tira sa paanan.

Masaklap na trahedya rin ang sinapit ng mga pasahero ng MV Mercraft 3 nang lumubog sa may Infanta, Quezon. Patungong Polilio Island ang fastcraft galing sa Real, nang salpukin nang malalaking alon. Apat ang namatay sa trahedya at na-rescue naman ang may 199.

Ang pinakamabigat na trahedya na naranasan ngayong 2017 ay nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City noong nakaraang Mayo makaraang lusubin ng mga teroristang Maute-ISIS ang lugar. Inabot ng limang buwan ang labanan na nagresulta sa pagkamatay ng 165 sundalo at 944 terorista. Uma­bot sa 87 ang namatay na civilian. Tinatayang 1.1 million ng mga residente ang nawalan ng tahanan.

Trahedya rin ang sinapit ng mga nabiktima ng lindol sa maraming lugar sa bansa particular sa Batangas na ilang beses niyanig. May mga nawasak ding bahay.

Pero gaano man kabigat, katindi at kalupit ang mga naranasan, nananatili pa rin ang pag-asa sa puso ng bawat isa. Hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na makakabangon sa sinapit na trahedya. Alam nila na mayroong liwanag sa kabila nang maitim na ulap.

At alam din nilang ang kapanganakan ng Mananakop na pinagdiriwang ngayon ang pinakamalaking pag-asa sa lahat. Wala nang iba pa.

Maligayang Pasko sa lahat!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with