^

PSN Opinyon

Kung kailan Pasko

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

KUNG kailan magpa-Pasko na saka dumating si Tropical Storm Vinta na sinalanta ang malaking bahagi ng Mindanao.

Nauna itong nag-landfall sa may bandang Hinatuan, Surigao at Davao Oriental na nagdulot nang malawakang baha maging sa kalapit na lalawigan ng rehiyong Southern Mindanao.

Maging ang Davao City ay hindi pinatawad at kahit walang namatay sa baha noong isang gabi, talagang matindi ang pinsalang dala nito lalo na sa mga area na malapit sa banks ng Davao River. 

At saka nagtungo sa Northern Mindanao na nagdulot din ng baha sa Cagayan de Oro City at kalapit na areas nito.

Kahapon naman ay doon na naman sa bahagi ng Zamboanga CIty at ibang areas ng Western Mindanao naghasik ng lagim si Vinta. 

May mga namatay din sa bandang Northern at Western Mindanao dulot ng pagdating ni Vinta. 

At naging malungkot din ang Pasko rito sa Davao City dahil nga sa pagkasunog kahapon ng NCCC Mall Maa na tinuturing homegrown mall talaga ng siyudad dahil ang mga may-ari nito ay purong  mga taga-Davao City, ang Lim family.

Ngunit matindi man ang nangyayari rito sa bahaging ito ng bansa, magpapasalamat pa rin tayo sa Panginoon at parati nating isipin na ang Panginoon ay mas mahigit at mas malakas at mas pinakamakapangyarihan pa kaysa anumang pangyayari sa mundo.

Maraming salamat sa lahat-lahat, Panginoon.

At Maligayang Pasko sa ating Lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with