^

PSN Opinyon

Dagdag sa listahan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

APAT ang kumpirmadong patay sa paglubog ng Mercraft III sa Quezon samantalang 199 ang nailigtas. Nasa 251 ang pasahero ng barko, na may kapasidad na 286, kaya hindi ito overloaded. Ilan pa ang nawawala. Lumubog ang barko habang patungo ng Polilio Island mula Real, Quezon.

Hindi pa matiyak ang dahilan ng paglubog ng barko. Kung pinayagang lumayag, ibig sabihin maganda ang panahon. Malayo naman ang Bagyong Vinta sa Quezon. Pero nahirapan ang mga sumaklolo sa mga pasahero dahil sa malalaking alon at masamang panahon, kaya baka may epekto pa rin ang Bagyong Vinta sa panahon. Patuloy naman ang paghanap ng mga pasahero ng barko. Huwag na lang sana madagdagan ang mga namatay.

Ang Pilipinas ay nabubuo ng higit 7,000 isla. Kaya ang malaking bagay ang maritime industry, partikular ang mga pampasaherong barko na lumalayag sa iba’t ibang isla. Pero madalas din ang mga kalamidad kaugnay ng mga pampasaherong barko. Sa listahan ng mga “maritime disasters” sa Pilipinas, madalas nagkakaroon ng kalamidad kung Disyembre. Lumubog ang MV Doña Paz noong Dis. 20, 1987 kung saan 4,300 ang namatay. Dis­yembre 1994 naman nang lumubog ang MV Cebu City na ikinamatay ng 73. Marami kasi ang nais makauwi sa kani-kanilang probinsiya kapag Disyembre, para makapiling ang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko, kasabay na rin ng bakasyon.

Nakita rin sa nasabing listahan na maraming aksidenteng nagaganap dahil sa banggaan ng mga barko, pati na rin ang pagtaob. Ibig sabihin may kasalanan ang mga tauhan ng mga barko kung magbabanggaan pa sa dagat. Ang pagtaob naman ng barko ay pwedeng isisi rin sa mga tauhan, sa masamang pag-alaga rin sa barko, o dahil pinayagang lumayag kahit may bagyo. Ang paglubog ng Mercraft III ay isa na namang madadagdag sa listahan na iyan, kapag nalaman na ang dahilan ng paglubog. Ito ang aspeto ng transportasyon na kailangang matukoy rin ng gobyerno. Kung may modernisasyon ng mga pampasaherong jeepney, dapat may modernisasyon din ng mga pampasaherong barko, para matiyak ang kaligtasan nila. Kailangan maging mahigpit din ang mga otoridad, partikular ang Philippine Coast Guard, sa mga patakaran at alituntunan hinggil sa paglayag at pag-alaga ng mga barko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with