^

PSN Opinyon

Sinulot ang misis ng kapwa atorni

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

PUWEDENG tanggalan ng lisensiya ang isang abogado sa kanyang propesyon kung may ginawa siyang imoral. Dahil ito ay isang pribilehiyo lang na ibinigay sa kanya kung taglay niya ang tinatawag na “good moral character”.  Ito ay isinalarawan sa kaso ni Romy.

Noong estudyante pa lang ng abogasya si Romy sa isang sikat na unibersidad, kaklase at kaibigan niyang matalik si Jimmy. Katunayan ay magkabarkada pa sila at iba pa nilang kaklase.

Kilalang isang lover boy si Romy. Pagkatapos mag-aral ng abogasya at makapasa sa Bar ay parehong nagpare-histro sa iisang chapter ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sina Romy at Jimmy.

Nanatiling matalik na magkaibigan ang dalawa kahit pa parehong naging abala sa propesyon at kahit pa nagpakasal na si Romy kay Stella.  Kahit may tatlong anak na, ay nambababae parin si Romy. Pinapatulan niya may asawa man o wala. Isa pa nga sa kanyang nakarelasyon ay si Bella na asawa mismo ng isang kapwa abogado na kasama niyang nagtuturo sa isang kolehiyo. Pagkatapos nito ay si Linda naman ang kanyang naging kabit at tumagal ang kanilang relasyon ng apat na taon kahit pa kasal siya kay Stella. Ang matindi pa nito, may pangatlo pa siyang niligawan, si Delilah na tulad ni Linda ay inakalang binata pa si Romy. 

Nalaman din ni Jimmy na bukod sa pagiging abogado, nagtuturo rin si Romy sa ilang unibersidad at binubuyo niya ang mga estudyanteng lalaki na magkaroon ng kaduda-dudang aktibidades tuwing gabi. Pinapatulan din niya ang mga estudyanteng babae kapalit ng pasadong marka sa klase.

Sa kabila ng kanyang nalaman tungkol sa kaibigan, sa pambababae nito at sa pag-abuso ng kapangyarihan bilang professor ay hindi natinag ang malasakit ni Jimmy kay Romy. Pero pagkatapos ng 14 na taon, nadiskubre ni Jimmy na karelasyon din ni Romy ang kanyang asawang si Lisa. Nahuli niya ang palitan ng email ng dalawa. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with