^

PSN Opinyon

Utos ni Bato, tinupad ni Sapitula ng EPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NABAHIRAN ng samu’t saring intriga ang Philippine National Police matapos ilunsad ang programa ni President Rodrigo Duterte kontra droga noong maupo siya sa Malacañang at hanggang ngayon. Pero alam ba ninyo na gumanap lamang ang PNP ng kanilang tungkulin. Mahirap baliin ang kautusan ni Digong sa pakikipaggiyera kontra droga. Ang masama lang nito nang ilunsad ang Oplan Tokhang marami ang nalagas sa panig ng mga durugista at tulak ng droga dahil sinamantala ng mga sindikato ng droga para sirain ang kredibilidad ng PNP.

Naglutangan ang mga riding-in-tandem at vigilantes na kaliwa’t kanang pumatay ng mga pinaghihinalaang drug offenders at ang inakusahan dito ay ang mga kapulisan. Subalit hindi lahat ng mamamayang Pinoy ay sumang-ayon sa paratang, bagkus marami ang naniniwala na ang may kagagawan ng mga karumal-dumal na pagpatay ay itong sindikato sa droga upang sirain ang kampanya ng PNP. Noon bang pinutulan ng pangil ang PNP sa pakikipaggiyera sa droga ay natigil ba ang patayan? Hindi, dahil marami pa rin ang naganap na krimen na kinasasangkutan ng mga bangag sa droga, lumaganap ang rape slay, street crime dahil nagbalikan ang bentahan ng droga nang mawalan ng pangil ang PNP.

Kayat minarapat kong alamin kung anu-ano ang programa ng PNP bukod sa pakikipaggiyera sa illegal na droga. At mapalad naman akong napagbigyan ni Eas-tern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo E. Sapitula noong Lunes. Ayon kay Sapitula, halos wala na silang tulog at pahinga sa pakikipaggiyera kontra droga subalit may nakalaan pa rin silang oras upang dinggin naman ang ibang reklamo ng mga tao. Sa katunayan umano nasa 1,000 to 1,500 katao ang binabantayan ng isang pulis araw-araw. Subalit hindi ito hadlang upang mapaghati-hati niya ang oras upang maisulong ang mga programa sa kanyang nasasakupan.  Pinagtuunan ni Sapitula ang Internal Cleansing Program through community service bilang pagtalima sa kautusan ni Bato sa lahat ng mga pulis kung kaya masigasig itong ipinatupad sa lahat ng kanyang mga tauhan.  Kabilang dito ang “Walk for your Heart against Crime, Curruption and Illegal Drugs” noong Valentine’s Day; 1st EPD Gwapulis -- the first gender sensitivity pageant of EPD involving policewomen of the District who are members of the LGBT community na ginanap noong May 5, 2017 sa Tanghalang Pasigueño; 1st Hexathlon and Palarong Pinoy sportsfest noong May 13, 2017 na ginanap sa Marikina City Riverbanks.

Inilunsad din niya ang mga sumusunod: Pulis ng Pamilya Program; EPD Pulis Bulilit Summer Camp; Speed Cubbing Challenge; Mind Games against illegal drugs; 1st Mass Wedding at Anti-Bullying Desk; Anger Management Seminar; Public Service Relations Seminar; Campus Tour for Kids against Illegal Drugs; Lady Desk Officers; Lady Bike Patrollers  at ang paggamit ng Body cameras.

Sa ngayon, abala si Sapitula sa bago niyang assignment sa Region 1. Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with