^

PSN Opinyon

Bike-sharing: Nauuso sa matataong lungsod

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PROGRESIBO ang transportasyon sa Seattle. Pinaka-malaki sa buong America ang ferry system na dumadaong sa mga pier. Meron nito inter-city trains, metro rails, at trambia at monorails. Meron ding regular at express buses.

Pero nitong nakaraang mga buwan sinimulan sa Seattle ang tatlong kumpanyang share-a-bike. Tinatantiyang lalaki sa 30% ang kasalukuyang 3% nagbibisikleta sa trabaho.

Iba ang bike-sharing sa Seattle kumpara sa matagal nang sistema sa New York at Tokyo. Sa dalawang huli, kailangan magbayad ang humihiram ng bisikleta sa mga “docks” o paradahan, at isoli din ito sa mga katulad nu’n. Sa Seattle maari damputin at iwanan kahit saang bangketa ang bisikleta. Makikita sa smartphone app kung ano ang bakanteng bike, babayaran online ang 50¢ o $1 (P25-P50) na upa para sa isang oras, at i-scan o ita-type ang pass code para ma unlock ang gulong.

Para itong Uber o Grab ride-sharing, kung saan maki­kita at binabayaran online ang pinaka-malapit na bumibiyaheng sasakyan, magkokontratahan, tapos susunduin na. At tulad ng pagbayad ng transport network services sa parking spaces, nagbabayad ang bike-sharing companies sa Seattle, $15 (P750) kada bisikleta, para sa paggamit ng mga bangketa.

Matagal nang uso ang bike-sharing sa China. Sa mahigit 100 matataong lungsod ay merong 12 milyong electronic bike rental para sa 100 milyong rehistradong gumagamit. Mainam sa maiikling biyahe.

Problema sa bike-sharing ang pagnakaw, pagkawala, at pagkasira ng bisikleta. Naroon din ang perhuwisyo ng pagkalat nito kung saan-saan. Maliban pa kung maulan o matatarik ang kalsada. At naiipon sa araw ang mga bisikleta sa business centers at sa gabi sa mga bahayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with