^

PSN Opinyon

Isang taon pang martial law

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

WALA akong nakikitang mali kung humirit man si Pres. Digong Duterte ng isang taong extension ng martial law sa Mindanao. Hindi ko maintindihan kung bakit may kumokontra pa na palawigin ang batas militar, di ba naipapatupad na ang martial law ng ilang buwan ng magkaroon ng bakbakan sa Marawi City? Wala namang nalabag na karapatang pantao di ba? Siguro iniisip nilang baka matulad noong panahon ni dating President Marcos. Hindi na mangyayari ngayon ang nangyari noon, dahil marami nang ipinagbago ang panahon natin ngayon.

Martial law na lang siguro ang tanging paraan upang masugpo ang mga terorista sa Mindanao, ito ang dahilan ng kaguluhan doon lalo na ngayon parami na nang parami ang mga naidagdag na terorista. Paano makakaahon kung pinagkukutaan ng masamang-loob, matatakot na ang mga turistang  bumisita roon lalo’t nag-aabuso ang ibang bansa sa kanilang mga kababayan na iwasang pumunta sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga terorista. Mahihirapan ang gobyernong tapusin ang problema sa mga terorista lalo’t meron silang large presence sa Sulu, Basilan, Tawi-tawi at ibang lugar. Kaya kahit na maraming tumututol sa extension ng martial law sana’y huwag namang hadlangan dahil alam ng gobyerno natin kung ano ang lalagyan ng mga kababayan natin doon.

Tulungan nating makamtan ng ating mga kababayan sa Mindanao ang kapayapaan, hindi naman siguro malalabag ang karapatang pantao kung paiiralin muli ang martial law. Kaawa-awa ang dinaranas ng mga mamamayan, nadadamay sila sa kaguluhan hindi naman dapat para sa kanila. Maipapatupad man ang martial law sa una siguro mahirap pero unti-unti na rin nilang makakasanayan hanggang sa masugpo ang mga terorista. Magkakaroon ng kapayapaan darayuhin ng mga turista ang Mindanao. Suportahan natin ang kahilingan ng nakakarami, bigyan pa ng isang taong extension ang martial law.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with