^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gov’t officials na travel nang travel humanda kayo!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Gov�t officials na travel nang travel humanda kayo!

MARAMING opisyal ng gobyerno na biyahe nang biyahe sa ibang bansa kahit hindi naman awto­risado at ginagamit pa ang pondo ng bayan. Babala ni Pres, Rodrigo Duterte sa mga opisyal na ito, mag­handa-handa na dahil sisibakin niya sa puwesto. Sa susunod na linggo ay sisimulan na raw niyang sabihan ang mga ito. Hindi naman daw hihiyain ang mga opisyal basta sasabihan daw ng Presidente na magbitiw na sa puwesto. Wala na raw ingay-ingay pa. Basta umalis na lang para hindi mapahiya.

Marami raw opisyal na madalas ang biyahe sa ibang bansa at ang ginagamit ay ang pera ng taumbayan. Kapag hindi raw kusang umalis sa puwesto ay saka ipahihiya ang mga ito.

Marami pa ring corrupt sa pamahalaan sa kabila na maigting ang kampanya ng pamahalaang Duterte. Sabi ni Duterte, sa susunod na taon umano ay magle-level up na ang paglaban sa corruption. Ibig sabihin mas titindi pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga corrupt. Ito raw ang naipangako niya sa mamamayan kaya tutuparin niya ito. Mawawala raw ang corruption sa bansang ito at tinitiyak niya ito na mangyayari sa ikatlong taon niya sa puwesto.

Marami ang matutuwa kapag natupad ang sinabi­ ni Duterte na mapapatalsik ang mga opisyal ng gob­yerno na nagbibiyahe sa abroad gamit ang pera ng taumbayan. Noon pa, ganito na ang sinasabi ng mamamayan na dapat maparusahan ang mga taong gumagastos na hindi naman pera nila ang ginagamit.

Habang ang mamamayan ay walang tigil sa pagbabayad ng buwis, marami namang opisyal ang nagpapakaligaya sa pagbibiyahe at ang matindi pa, may kasamang mga babae ang mga opisyal. Walang taros sa paggastos ng pera na galing sa buwis ng mamamayan. Nararapat nang matigil ang masamang gawain ng mga opisyal ng gobyerno. Nararapat kasuhan ang mga ito dahil sa korapsiyon.

Kapag natupad ni Digong ang mga pangako niyang pagsibak sa mga opisyal ng gobyerno na nilulustay ang pera ng taumbayan, dito na magsisimula ang pagbabago sa bansang ito. Dito na mararamdaman ng masa ang linis ng pamumuhay sapagkat wala nang mga korap na nagpapasasa sa pera ng bayan. Wish ng mamamayan na mangyari ito at hindi pawang banta lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with