^

PSN Opinyon

‘Nagtanong na pedestrian, hinuli ni PO1!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WE serve and protect. ‘Yan ang motto ng Philippine National Police (PNP). Ang protektahan at magbigay serbisyo sa mamamayan. Pero paano kung sa pagtatanong mo, hulihin ka ni mamang lespu? Anong gagawin mo?

Ganyan ang masaklap na sinapit ng isang pedestrian na dumulog sa aming tanggapan. Kuwento ni Romulo naglalakad siya sa Taguig nang madaanan ang grupo ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint. Lumapit siya sa isa sa mga ito at nagtanong tungkol sa expiration ng kanyang motor. ‘Di niya kasi malaman kung ang date ba sa OR/CR o ang date sa plaka ang kanyang susundin.

Pero imbes na sagutin ang tanong niya, si PO1 Zeus Acuña hinanapan siya ng lisensiya. Sa takot, wala siyang nagawa kundi iabot ito kay PO1. Laking gulat ng biktima ng bigla siya nitong tiketan! Ang kanyang violation, “unregis­tered motor vehicle”.

Teka lang naman mamang lespu. Seryoso ka ba rito? Naglalakad lang ‘yang kausap mo tapos titiketan mo? Kung ‘di ka ba naman isang malaking ob-ob! Pati si Alex at Tol Erwin natatawa sa katangahan mo. Kahit si General Albayalde nga, nahihiya sa ginawa mo.

Susmaryosep! Kailangan makapag-seminar ulit ‘tong kumag na ‘to. Kung hindi, baka mapuno ang mga bilang­guan hindi ng mga adik kundi ng mga taong palatanong. ‘Di naman lahat ng kapulisan tulad nitong si PO1 Acuña. Marami pa rin yung matapat at matino. Bukod tangi lang itong si PO1 na patulug-tulog sa pansitan.

Biruin mo, magtatanong ka lang bigla kang kakasuhan! Only in the Philippines ika nga ng iba. Kaya ikaw PO1, umayos ka! ‘Wag kang tatanga-tanga. Sinisira mo pati hanay ng pulisya sa kalokohan mo.

Sabi nga ng mga nakatatanda, kung hindi ka sigu­rado sa isang bagay mabuting magtanong sa mas nakakaalam. Pero kung si PO1 Acuña ang mapagtatanungan, mas mabuting manahimik ka na lang para hindi makasuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with