^

PSN Opinyon

Balik sa pagbomba, pagkidnap, pagkikil

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NATUTUNAN na ng Islamic State ang leksiyon sa Mosul, Raqqa, at Marawi. Hindi nila kakayanin humawak ng teritoryo nang matagalan. Babagsak at babagsak ang mga militia sa ragasa ng professional army na may kanyon, tangke, at eroplano. Pero nariyan pa rin ang hangad nila na pamayanihin ang Islam bilang gobyerno. Kaya guguluhin pa rin nila ang normal na buhay ng tao. Maghahasik pa rin sila ng terorismo. Babalik sila sa mga dating taktika: pagbomba, pagkidnap, at pagkikil.

‘Yan ang dahilan kung bakit nais ng security officials manatili ang martial law sa Mindanao. Armado at nagbabanta pa rin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao; Ansar-al-Khalifa Philippines sa South Cotabato at Sarangani, at Abu Sayyaf sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Sinisikap sila pag-isahin ng Jemaah Islamiya, na binubuo ng mga teroristang Malaysians at Indonesians.

Pinapayagan ng martial law ang paghahalughog at pag-aaresto nang walang court warrant. Gan’un natimbog ang ama ng Maute terrorist brothers patungong Marawi nu’ng kasisimula pa lang ng siege. Naudlot din ang pag-reinforce ng mga child-soldier recruits sa Maute terrorists mula Sarangani. Sa banta ng bahay-bahay na paghalughog naipasuko ng Armed Forces ang daan-daang armas sa kamay ng political clans sa bayan-bayan paligid ng Marawi. At nasukol ang ilang narco-politicians na pinaniwalaang nag-armas at nagpondo sa mga Maute.

Pero hindi magiging habambuhay ang martial law. Kailangan saluhin ng pulis ang gun control sa Mindanao. Dapat patas na iparehistro sa political warlords ang mga armas, para maitabi sa mga bahay.

Kailangan din magtulungan ang mga paaralan, komunidad, at mga samahan sa pagkontra sa radikalisasyon ng kabataang Muslim. Sa edukasyon at kaunlaran maipakikitang mali ang karahasan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with