PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Pamamayagpag ng drug queen sa selda’

SA kabila ng patung-patong na kaso sa droga at pagkakapiit ni Drug Queen Yu Yuk Lai ay patuloy ang pama­mayagpag ng negosyo nito.

Sa loob mismo ng Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong, tuloy-tuloy ang bentahan at ga­mitan ng mga ipinagbabawal na drogang shabu at ecs­tasy.

Eksklusibong trinabaho, aktuwal na naidokumento ng PDEA at BITAG ang kalakalan ng illegal drugs sa loob ng correctional.

Halos isang buwang surveillance at undercover test buy operation ang isinagawa sa mismong selda ni Lai bago isagawa ang paglusob nitong madaling araw ng Lunes lamang.

Sa ginawang operasyon, natuklasan ang “kubol” ni Lai kung saan naglulungga ang mga ibinebentang iligal na droga at maging mga paraphernalias.

Lumalabas, ipinapalaman ang mga sachet-sachet na shabu sa pantyliners. Positibong nakuha ang 27 sachet na drogang nakapalaman sa pantyliners na may halagang P1 milyon, 2 kilo ng suspected crystallized shabu, 19 tsekeng umabot sa halagang P4.5 million at cash na P100,000.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ilang linggong pagmamanman ng PDEA at BITAG sa kilos at galaw ng mga tao sa labas at loob ng correctional, makailang beses namataan ang anak ni Lai na si Dianne Yu Uy na labas-masok din sa pasilidad.

Hindi ordinaryong dalaw ang sadya ng anak dahil dalawang sakong bigas kada linggo ang binibitbit nito paloob ng bilangguan. Hinihinala ng PDEA na nakahalo ang mga iligal na droga sa bigas para maipuslit ito papaloob.

Sa mga ganitong uri ng pasilidad, sadyang napakahigpit ng security. Halos paghubarin ka na, ma-body check lamang ang sinumang bisita.

Subalit kay Dianne, wala nang tsek-tsek o inspect inspect pa, malaya itong nakakalabas-masok ng correctional, walang kahirap-hirap.

Kaya sa bisa ng search warrant, napasok ng pinagsaib puwersa ng PDEA at Presidential Security Group (PSG) ang bahay ng ikalawang subject na si Dianne.

Kakatwa, dahil isang dura lamang ang layo nito sa Malacañang. Harapan lamang ang bahay ni Dianne at ang gate ng TEUS Mansion Presidential Guest House.

Dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon sa bahay ni Dianne ang narekober ng mga otoridad.

Siguradong mananagot ang mga opisyal ng CIW lalo na ang kasalukuyang warden  na dati na palang nakasuhan. Tsk-tsk-tsk!

Buo at mga eksklusibong videos, abangan sa BITAG New Generation sa mga susunod na Sabado, 7:00 hanggang 8:00 ng gabi sa PTV4. Sundan ang Facebook pages ng BITAG Live at BITAG Multimedia Network para sa fresh updates sa operasyong ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: