^

PSN Opinyon

Agawan sa apo

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

DAHIL ayaw isoli ni Marta ang apo, napilitang magsampa ng petisyon si Carla sa RTC para mabawi ang kustodiya kay Merlie. Matapos ang paglilitis ay pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Carla at inutusan si Marta at sinumang umaangkin kay Merlie na ilipat ang kustodiya ng bata kay Carla. Sinuportahan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC.

Inakyat ni Marta ang kaso sa Supreme Court. Hiningi niya na mabaliktad ang desisyon ng Court of Appeals. Ayon sa kanya ay inabandona na ni Carla ang anak at siya ay karapat-dapat naman na magpalaki sa apo dahil nakuha niyang mag-isang palakihin ang 12 anak at may sapat siyang pera para gawin ang mga planong makabubuti para kay Merlie.

Pumabor pa rin ang Supreme Court kay Carla. Ayon sa SC ay si Carla ang tunay na ina ni Merlie. Siya ang guardian nito at may karapatan sa kustodiya at panga-ngalaga ng bata. Nang ipagkatiwala raw ni Carla si Merlie sa biyenang si Marta, ang ibinigay lang ng babae ay ang pansamantalang kustodiya sa bata. Hindi ito permanenteng pagtalikod sa karapatan niya bilang isang magulang.

Ang karapatang ito ay personal at ayon sa batas maari lang ibigay ito sa iba sa pamamagitan ng adoption, guardianship o kapag iniwan sa bahay ampunan ang bata. Hindi naman ito ang nangyari sa kaso nila Carla. Pansamantala lang na pinagkatiwala niya ang anak sa kanyang biyenan. Hindi niya tinalikuran ang pagiging magulang sa anak. Ang karapatan bilang magulang ay hindi lang isang trabaho kundi kabuuan ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanya para panga­lagaan ang kapakanan ng bata. Ito ay isang natural na karapatan na suportado ng batas at patakaran ng lipunan. Hindi ito karapatang nilikha ng mga desisyon ng korte kundi ng relasyon nila bilang magulang at anak (Sagala-Eslao vs. Court of Appeals and Cordero-Ouye, G.R. 116773, January 16, 1997).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with