^

PSN Opinyon

Baon sa utang

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ang taunang paggunita sa ating mga mahal sa buhay na baon na sa lupa, balik na muli tayo sa masaklap na katotohanan. Para sa maraming guro, ang katotohanan ay baon sila sa utang. 

Sa iba’t ibang antas ng pampublikong edukasyon, kasama na rin ang mga kolehiyo at pamantasan, nauuna nang gamitin ng mga guro, instructor at propesor ang kanilang mga sahod bago pa man dumating ang pay day. Ang araw ng pagda­ting ng sahod ay araw din ng pagbayad ng mga nauna nang inutang.

Matagal na ring alam ng kinauukulan na hindi sapat ang kinikita ng ating teachers para sa kanilang ikabubuhay. Ito ang dahilan kung bakit lagi silang una sa mga tinataasan ng sahod sa gobyerno. Dapat sana ay mapagkakasya na ito sa panga­ngailangan ng pamilya. Subalit kinakapos pa rin. Ito nga ang lumantad nang hinigpitan na ng GSIS ang pagsingil sa mga deduction.

Bilang tugon, minarapat ng magiting at makalinga na pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pangu­nguna ni Sec. Liling Briones na ipasuri ang mga spending patterns ng ating mga titser. Papaano nila ginagastos ang kanilang kinikita. 

Ang ganitong mga pag-aaral ay makapagbibigay na mahalagang datos upang maunawaan ng gobyerno ang sitwas­yon ng ating mga guro.

Sa mga kabalikat ng Pangulo sa paghatid ng serbisyo sa lipunan, laging lumulutang ang DepEd sa mga mabilis at epektibong ahensya. Sa Marawi, unang una ang DepEd sa mga social services departments na kumilos tungo sa agarang pagbalik ng normalidad. Pangalawang araw pa lang ay nasa mga paaralan na sila upang mag-assessment sa pangangailangan kahit hindi pa deklaradong ligtas ang area sa peligro. 

Sa mga panahon ngayon na naliligalig ang tao at tumitindi ang ating pangamba sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa, malaki ang naitutulong sa pagpanatag ng ating ka­looban ng isang liderato na maasahang laging mangunguna sa paggawa nang tama. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with