^

PSN Opinyon

Para malaman lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SI US Ambassador Sung Kim na lang ang nagpahayag na malaki ang naitulong ng America sa tagumpay ng militar sa Marawi. Iniisa-isa nga ang mga tulong, tulad ng paggamit ng P-3 Orion surveillance planes, Grey Eagle drones at “technical advice” sa mga sundalo sa larangan ng urban warfare, kung saan mas may kara­nasan ang US. Sa totoo nga, malaki ang tulong ng mga eroplano at drones sa pagkalap ng impormasyon na ginamit ng mga sundalo sa laban. Iginiit din na matagal nang magkakaibigan at magkaalyado ang Pilipinas at US.

Kung maririnig kasi si Pres. Rodrigo Duterte, tila mas pinasalamatan ang China, pati na rin ang Russia para sa mga tulong-militar na ibinigay. Kailan lang ay nagbigay ang dalawang bansa ng mga armas at kagamitan sa AFP. Kailan lang ay dumalo ang tatlong barkong pandigma ng Russia sa bansa, kasabay ang pagbigay ng mga amras, bala at mga trak. Ipinahayag pa ni Duterte na isang sniper rifle na gawa at bigay ng China ang nakapatay sa mga lider ng terorista sa Marawi, bagay na hindi naman kinukumpirma ng militar. Sa website nga ng Scout Rangers, napatay umano sina Hapilon at Maute ng remote-control na baril na nakapatong sa armored personel carrier na gawa sa US.

Siguro kinailangang ipahayag iyon ni Ambassador Kim para malaman lang ng taumbayan na patuloy pa rin ang tulong ng US sa bansa, sa kabila ng tila paglalayo na ng administrasyong Duterte sa US, at sunud-sunod na puri at pasasalamat sa China at Russia. Hindi naman daw nababahala ang US sa pagtanggap ng bansa ng mga tulong-militar mula sa China at Russia.

Wala naman talagang dahilan na ilayo ang US sa bansa. Kung gusto ni Duterte na ilapit ang bansa sa China at Russia, wala rin namang problema riyan, basta hindi lang malagay sa alanganin ang bansa. Hindi rin dapat kinakalimutan ang tulong ng kaibigan. Sigurado naman ako na alam iyan ng ating mga sundalo na lumaban sa Marawi, at malaki ang pasasalamat nila sa tulong na ibinigay ng US, kahit sila na lang ang nakaaalam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with