^

PSN Opinyon

Bullet-proof, Pwe!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBA talaga sa gobierno. Pati  mga kotse ng mga bossing hindi lang mamahalin, bullet-proof pa.

Ewan ko nga ba kung bakit nasisira ulo ng mga nasa kapangyarihan sa mga maluhong bagay. Dahil hindi naman sila ang gumagastos kundi  mga buwis ng madlang Pinoy, walang patutsada kung bumili ng mga mamahaling sasakyan.

Pero itong mga bullet-proof na SUV, iba talaga.  Ginagamit ito sa Iraq at sa mga lugar na may giyera pero dito sa atin, naging “status symbol” na ng kawalanghiyaan este mali kapangyarihan pala.

Kahit pala itong ating Ombudsman may sarili nang bullet-proof na Toyota Land Cruiser na may plakang EBZ 409. Hindi lang ordinaryong SUV,  kundi “Dubai version “ pa na gamit ng mga prinsipe at prinsesa  sa Gitnang Silangan.   

Sabi nga, nakakainggit!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ba naisip ni  Aling Conchita Carpio-Morales na medyo palyado, hindi ang kotse lang, kundi ang kaniyang ginawang pagbili ng mamahaling SUV?

Balita ko mga P8 hanggang P9 million ang ginastos sa kaniyang bullet-proof na service?

Totoo kaya ito?

Sabagay,  kahit si Supreme Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay ganiyan din ang kotse. At siyempre, baka pati  marami na sa ating mga bossing sa gobierno kasama na si Boss Digong iyan na rin ang mga paboritong sasakyan. Bullet-proof! Leche!

Ano ba kinakatakutan nila?  Yung mabaril habang nasa kalye? 

Akala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagmamalaki natin na ang ating mahal na Philippines my Philippines ay “safe” na.

Naku ha!

Bakit?

Tingnan mo itong si Aling Maria Sereno naging isyu tuloy ang kaniyang mamahaling SUV sa mga tongresman este mali congressman pala, na pilit siyang pinaglalaba este mali pinapababa sa puwesto. 

Akala mo naman, wala din silang mga bullet-proof na kotse. Yung iba nga diyan mga mamahaling sports car pa ginagamit nilang service pang-araw-araw. Nakakahiya!

Pero itong  si Aling Conchita, iba talaga. Mas lalong nakakahiya. Isipin mo ikaw ang  nag-iimbestiga sa  mga luho at  kasong korupsiyon  ng mga taong gobyerno tapos  yun pala may tinatago ka ring  baho, este bagong bullet-proof na kotse.

Huwag na nating patulan yung mga tsismis na maraming hocos-pocus sa Office of the Ombudsman. Itong si Boss Digong noon pa nag-iingay sa  mga diumano’y anomalya sa tanggapan ni Aling Conchita.

Pero parang pulitika na kasi ang labanan.  May mga nasususpindi kung may nag-iingay pero may ilan din naman daw ay tuloy ang ligaya dahil kakampi ni Aling Conchita. 

Sabi nga, iba talaga ang nasa poder ka ng kapangyarihan!

Pero kung ako kay Aling Conchita, kay Aling Maria at sa lahat ng mga bullet-proof  user, mahiya naman kayo sa inyong mga ginagamit na sasakyan. 

Habang  ang gobierno ay hirap na hirap lumikom ng pondo mula sa buwis ng madlang people,  kayo naman ay walang kiyeme na gumagastos sa mamahaling mga kotse. 

Ika nga, dedma lang talaga!

‘Imbestigahan kaya ni Aling Conchita ang kaniyang sarili?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame. 

‘Ewan ko lang.’

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with