^

PSN Opinyon

Masamang pananaw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINAG-AARALAN na kung ano ang puwedeng irekomenda laban sa mga miyembro ng Aegis Juris na nagtangkang pagtakpan ang pagpatay kay Horacio Castillo III dahil sa matinding hazing. Mga abogado at nais maging abogado ang nag-usap-usap sa social media kung ano ang magandang gawin para “hindi na mag-ingay” ang pamilya ni Castillo, magtago ng ebidensiya at kung paano maiiwasang makasuhan ang mga sangkot nilang “brod” sa hazing.

Hindi talaga puwedeng palampasin ito. Napakalaking implikasyon sa kaso, pati na rin sa propesyon ng abogasya. Marami ang nadismaya sa aksyon ng mga abogado. Iaangat sa Korte Suprema ang rekomendasyon. Marami ang nagsasabi na dapat tanggalan na ng lisensiya ang mga ito. Mga nais naman maging abogado ay hindi na dapat payagang makabalik sa pag-aaral. Mabibigat na parusa ang nais ng marami, pero masisisi ba sila? Hindi ka makakapaniwala sa mga narinig mo noong binasa sa Senado ang palitan ng pag-uusap ng mga ito.  

Umalma naman ang UST sa pananaw na wala silang pakialam sa nangyari kay Horacio Castillo III. May mga nagpahayag na tila malamig ang reaksiyon ng unibersidad sa naganap na krimen. Itinanggi na hindi kumilos kaagad ang unibersidad. Siguro ang nais nang marami ay sibakin na mula sa unibersidad ang mga sangkot sa pagpatay kay Horacio, at huwag nang payagang makapag-enrol sa iba pang kurso kung sa UST lang. Ganundin, masisisi ba sila? Masisisi ba kung ang nais ay maparusahan kaagad ang mga ito, dahil uso na nga ang mabigat na hustisya nang walang proseso. Nasasanay na ang tao na may aksyon kaagad, kahit labag din sa batas.

Maraming masalimuot na pangyayari ang nagaganap sa kasong ito. Nakita ng bansa na may mga abogado na handang lumabag sa batas, mabigyan lang ng proteksyon ang mga “brod” at ang fraternity. Kung may mga nais pang sumali sa mga fraternity, dapat mag-isip-isip na sila. Nalagay lang sa masamang pananaw muli ang mga fraternity dahil sa pagpatay kay Horacio, pati na rin ang kilos ng mga abogadong nanumpa na itaguyod ang batas at hustisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with