^

PSN Opinyon

Seryosong isyu

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINASASAMA ang propesyon ng abogasya. Ito ang pahayag nang marami sa pag-uusap sa social media ng mga miyembro ng Aegis Juris na pawang mga abogado. Malinaw na nais pagtakpan ang krimen, magtago o manira ng ebidensiya, at idaan na lang sa areglo ang pamilya ni Horacio Castillo III para “wag nang mag-ingay”. Kaya may mungkahi na ipatawag sa Senado ang mga nasa chat na iyan na isiniwalat sa Senado noong Miyerkules. Pinag-aaralan na rin ang kanilang pananagutan, dahil malinaw nga na may plano na pagtakpan ang krimen. Obstruction of justice ang maaaring isampa umano sa kanila.

Mapapailing ka talaga kung nakinig ka sa pagdinig noong Miyerkules. Mga pinagsasabi na malinaw na pagtakip o pagtago sa krimen. Hindi ko maisip ang naram­daman ng mga magulang ni Horacio habang nakikinig sa pagbasa ng mga palitan ng mga miyembro. Parang wala silang napatay na tao. Parang wala silang sinirang buhay. Parang napakadaling kumilos para pagtakpan ang krimen, dahil alam nga naman nila ang batas at mga abogado sila.

Marami ang nagtatanong kung may karapatan pang maging abogado ang mga ito, dahil sa kanilang mga pahayag na maaaring magamit sa isang hukuman. Ang batas na ang bahala na diyan. Pero ganito ba kahalaga ang maging miyembro ng isang fraternity? Fraternity ng mga abogado pa? Na tila napakadaling pag-usapan, magbigay ng mungkahi, at aksyunan ang pagtakip ng krimen at pagbigay proteksyon sa mga salarin? Binanggit pa na may kaya ang pamilya, na tila ipinapahiwatig na mahihirapan silang labanan ito. Ibig bang sabihin, kung mahirap lang ang biktima ay hindi na ito lumabas sa media? Kaya ba puro mga mahihirap ang napatay sa Oplan Tokhang, ay dahil mahirap labanan ang “maykaya”?

Seryosong isyu ito. Ang propesyon ng abogasya ang nakataya ngayon dahil sa aksyon ng mga ito. Ang iisipan ba natin kapag may naganap na krimen ay ginawa na ang lahat para pagtakpan ang krimen, sa tulong ng mga abogado? O mga miyembro ng fraternity lang na ito ang ganyan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with