^

PSN Opinyon

Transport modernization

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG ideya ang jeepney modernization. Panahon pa ni Presidente Ramos ay binalak na ito pero hantarang tinututulan ng mga nasa transportation sector kaya hindi maipatupatupad. Takot sila sa malaking gastos kasi. Ano naman ang ikatatakot nila kung ang pinaka-pang-downpayment ay ang kanilang mga lumang sasakyan?

Si Presidente Duterte lang ang nagkaroon ng tapang at political will para isulong ang programa sa kabila ng kabi-kabilang welga ng mga pampasaherong jeeney sa pangunguna ng lefty-leaning PISTON.

Para sa ating mga mananakay, tatanggi ba tayo sa sasakyang komportable at may aircon pa bukod sa malinis ang ibinubuga sa tambutso? Kung ang mga nakaraang administrasyon ay  nasindak ng mga nagwewelgang samahan sa transportasyon, hindi si Duterte.

Tiniyak ng Pangulo na simula sa pagpasok pa lang ng taong 2018, Hindi na papayagang makabiyahe ang mga bulok na pampasaherong jeepney. Iyan ang political will.

Hindi tayo insensitive sa kalagayan ng transport sector. Kahit ano’ng reporma ay may kaakibat na sakit sa una, pero sa pangmatagalan, ito ay magdudulot ng kabutihan sa lipunan. Unang-una, komportable ang mga mananakay. Pangalawa, lilinis ang hanging nilalanghap natin dahil mababawasan na ang mga sasakyang nagbubuga ng lason.

Sabi nga ni Duterte, dapat nang maisulong ang jeep­ney modernization program ng gobyerno dahil sanhi ng polusyon ang mga bulok na jeep sa lansangan na nala­langhap ng taumbayan. Kaya kung tinututulan ng mga nasa transport sector ang programa, sila na mismo ang hinamong ayusin ang kanilang mga bulok na sasakyan para luminis ang hanging ibinubuga.

At totoo naman na ang karamihan sa mga aksidenteng nangyayari ay dahil sa mga bulok na sasakyan na nawawalan ng preno. Harinawang makiisa ang sektor sa transportasyon sa programang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with