^

PSN Opinyon

‘Huwag pabighani sa ganda ng Estafa Queen na ‘to!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

GANDA lang ang puhunan at presto, maraming nahulog sa kanyang bitag!

Nitong nakaraang linggo ay inexpose namin sa Kilos­ Pronto ang isang manggagantso na nagtatago sa mukha ng isang anghel. Maganda, maporma at street smart, walang kahirap-hirap si Gina Lou Ong Tan na makapambiktima ng malalaking negosyante. 

Isa sa mga kakilala ko, nabiktima ng kolokay na ‘to. Magaling daw talaga si talpulana, alam ang kanyang mga sinasabi pagdating sa negosyo. Hindi raw kataka-takang kumagat sa kanyang patibong ang sinumang negosyanteng katransaksiyon nito. Negosyong buy and sell ang modus operandi ni Gina Tan. Mula sa mamaha­ling bag, alahas at mga sasakyan, expert ang bruha.

Estilo niyang kaibiganin, kuhanin ang loob ng kanyang katransaksiyon. Padamahin at pakikitain sa una subalit kapag close na kayo, mas malaking transaksi­yon, mas malaking kuwarta na ang kanyang kukubrahin.

Take note, hindi lang malalaking negosyante ang nadenggoy ng maamong mukha ng demonyita. Kundi maging mga artista na nagmamay-ari ng sariling kumpanya. Etong lumapit sa Kilos Pronto, dating aktres at nata­ngayan ng alahas at perang umabot sa P28 milyon. Ang tatlo niya pang kasamahan, nadenggoy ng tig-P6 milyon.

Sa una ay nakikipag-usap naman daw ito, nag-isyu pa ng mga tseke bilang guarantee na mababayaran lahat ng kanyang tinangay. Siyempre sa huli, tumalbog at nawala na ring parang bula si Gina Tan. Oyyy kolokay na Gina Tan, balita ko patung-patong na ang naging kaso mo, LuzViMin na ang mga naging biktima mo pero nalulusutan mo? Sinong padrino mo aber at kinukunsinti ang panggagantso mo?

Etong magandang balita ng BITAG sa’yo, kalalabas lang ng isang warrant of arrest laban sa’yo mula sa Pasig Regional Trial Court. Tinututukan ito ng aming grupo ngayon dahil idodokumento namin ang pagkakahuli sa’yo. Mga bossing, kilala n’yo ba ang dorobong ito? 

Bisitahin ang aming website, www.bitagmedia.com, sa programang Kilos Pronto. Panoorin ang video na may pamagat na “Impaktang Estafa Queen, kilalanin!”

Mukhaan, pitsarahan at kabisaduhin n’yong maigi ang anggulo ng pagmumukha ng babaing ito at isumbong sa BITAG ang lunggang kanyang pinagtataguan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with