^

PSN Opinyon

PWD’s at SC alaga ng Cebu Pacific sa kanilang pagsakay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ng Cebu Pacific Airlines o CEB, na bumili sila nang 35 units na Disable Passenger Lift (DPL) machines para magamit ito ng mga pasahero nilang hirap umakyat sa hagdan ng eroplano tulad ng mga may kapansanan o PWDs at mga senior citizens. dahil malaking kaginhawahan ito sa kanila kapag sasakay na sila ng aircraft.

Ibinalita sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang CEB, ang unang airline sa Philippines my Philippines na namuhunan nang napakalaking halaga para sa sariling disable passenger lift machines para na rin mapabuti at maranasan ng pasahero nila ang ‘super services’ na nais nilang ipalasap sa mga tumatangkilik sa kanilang company. 

Ika nga,  VIP treatment!

Kuento ni Michael Ivan Shau, Cebu Pacific Air Vice President for Airport Services, na ang paggamit ng mga makabagong DPL ay ‘free of charge’ bukod dito binili ito para gamitin sa mga pasahero nilang buntis at mga senior citizens na hirap nang makaakyat sa hagdan para sa kanilang flight.

Ang DPL ay nabili ng CEB ng P100 million halaga ang unang makina ay nasa NAIA T3 na nasusubukan na nang kanilang mga pasahero todits.

Ang makina ay ginagamit para sa mga  PWDs, buntis at senior citizens passengers sa limitadong bilang ng CEB flight. 

Ang iba pang mga Australian-made DPL units ay ikakabit sa susunod na taon. Ang anim sa mga ito ay ilalagay sa NAIA T3 at ang iba ay sa iba’t-ibang airports sa probinsiya na may ruta ang CEB tulad sa Clark, Kalibo, Iloilo, Cebu at Davao. 

Tirada ni CEB information officer Charo Logarta, sila ay naghahanap ng mga paraan para hindi mahirapan ang kanilang mga pasahero oras na pinili nila ang Cebu Pacific Airline sa kanilang biahe.

Ika nga, ano pa ang inaantay ninyo booked na!

* * *

Paalam Batanes Rep. Dina Razon - Abad

KINUHA na ni Lord si Batanes Rep. Henedina Razon-Abad.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Dina ay natigok kamakalawa ng gabi (Oct.8).

Ang labi nito ay ibuburol sa Ateneo de Manila University College Chapel, hanggang sa Mierkoles ng gabi (Oct. 11) may misa ng kada alas - 8 ng gabi the evening of Wednesday, October 11.

Isang send - off mass ang gagawin sa Oct. 12 ng 1-am sa Church of Gesu.

Naiwan ni Dina, pangalan nito sa mga malalapit sa kanya ang kanyang asawang si dating DBM Secretary Butch Abad mga anak na sina Julia Andrea, Pio Emmanuel, Luis Andres at Cecilia Paz.

Sa probinsiya ng Batanes ililibing si Dina.

Condolence!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with