^

PSN Opinyon

Walang EJK

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAY PNP chief Director General Ronald Dela Rosa lang talaga manggagaling ang salitang “ingrato”. Ito ang kanyang pahayag sa mga kritiko ng madugong kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga. Malaki na raw ang ibinaba ng bilang ng krimen sa kalye dahil sa kanilang tinatawag na tagumpay kontra droga. Para sabihin ni Dela Rosa na ingrato ang mga tao ay tila nagpapahiwatig na may obligasyong magpasalamat ang taumbayan sa kanila. Hindi ba tungkulin ng pulis ang manilbihan sa taumbayan? Hindi ba tungkulin ng PNP na sugpuin ang krimen? 

Ang hindi niya binabanggit ay ang halos araw-araw na kaganapan kung saan may napapatay, kung sa mga operasyon man ng pulis o mga pinapatay na lang ng mga di kilalang tao. Sa katunayan, tila napakadaling pumatay ng tao ngayon. Sabitan lang ng karatula, balutan ng tape ang ulo o tapunan ng ilang pakete ng droga ay tila tanggap na at walang hahantungan ang imbestigasyon. O sabihin lang na sangkot, o dating sangkot sa iligal na droga ang napatay ay ibibilang na lang sa “tagumpay”.

Kinukuwestiyon nga ang mga datos ng PNP, na kailan lang ay binawi ang kaisa-isang umanong “extrajudicial killing” sa ilalim ng administrasyong Duterte. Wala raw EJK sa ilalim ni Duterte. Ano pala ang mga pinapatay araw-araw? Nanlaban lahat? Maaari ngang bumaba ang ilang krimen tulad ng pagnanakaw, holdap, snatching at iba pag mga maliliit na krimen, pero laganap ang patayan ngayon.

At tila napapansin na ito ng mga negosyante mula sa ibang bansa. Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa 90 percent ang ibinaba sa bilang ng mga namumuhunan sa bansa itong taon, kumpara sa nakaraang taon. Malaki iyan. Malinaw na walang pumapasok na puhunan sa bansa. May kinalaman ba ang araw-araw na balita na may napapatay? Ikumpara sa isang kainan na napakaganda ng lokasyon, magaganda ang muwebles, mukhang malinis, balitang masarap ang pagkain, pero may nakita kang isang malaking daga na tumatawid-tawid sa mga mesa. Kakain ka pa ba sa lugar na ‘yan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with