^

PSN Opinyon

Nakinig

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINUSPINDI ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga binagong patakaran hinggil sa pagpapadala­ ng mga balikbayan boxes mula sa ibang bansa. Ayon kay Lapeña, nakinig siya sa mga daing ng mga kaba­bayan na ang ligaya ay makapagpadala ng mga ka­gamitan sa kani-kanilang mga pamilya, lalo na’t magsisimula na ang kapaskuhan. Suspindido hanggang Marso 31, 2018 ang mga binagong patakaran. Magkakaroon din ng pag-aaral kung ano ang pinakamagandang paraan at patakaran para makinabang ang lahat.

Mabuti naman at may nakikinig sa gobyerno sa mga daing ng taumbayan. Kung bakit nga naman ang mga nagpapadala ng iilang kagamitan ang pinapatawan ng mga mahihigpit na patakaran, samantalang ang na­ipasok na bilyun-bilyong halaga ng shabu sa bansa ay hanggang ngayon ay wala pang inaaresto. Mas lalong hindi ko maintindihan ang patakaran na tatlong kahon lang sa isang taon lang puwedeng magpadala ang mga kababayan natin. Bakit hindi ang mga malala­king smuggler ang bigyan ng pansin? Kung mga kontrabando ang gustong iwasan ng gobyerno, sa bansa ng pagmumulan ng mga kahon ay puwedeng doon pa lang ay inspeksyunin na nang masiyasat. Puwedeng doon pa lang ay sitahin na ang mga bagay o kagamitan na maituturing na “commercial quantity”, o mga kagamitan na dapat patawang ng buwis. Lahat iyan magagawa bago pa dumating ang mga kahon dito sa bansa. Kapag walang isyu ang mga kahon, deretso na sa mga naghihintay na mahal sa buhay. Kapag may isyu, puwedeng hindi na ipadala ng mga forwarder o timbrehan na ang mga otoridad dito sa Pilipinas, para masabat kaagad.

Ang sabi ng dating Customs commissioner, ginawa ang mga patakaran para matuntunan ang “technical smuggling” sa bansa, kung saan ginagamit umano ang balikbayan boxes para magpasok ng kontrabando, o mga bagay na hindi na napapatawan ng tamang buwis. Pero tama nga ang daing ng mga kababayan natin. Ano ba ang puwedeng ilagay sa mga balikbayan boxes kung saan nalulugi umano ang gobyerno hinggil sa buwis? Ikumpara sa hindi binayarang buwis ng Mighty Corporation ng ilang taon, na ngayon ay hindi na raw kakasuhan dahil pumayag ang BIR sa halagang babayaran na. Ilang malalaking korporasyon pa kaya ang hindi tamang magbayad ng buwis na hindi pa natutunton ng gobyerno?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with