^

PSN Opinyon

Ang batas ay para sa lahat

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA mata ng batas, lahat ay pantay-pantay. Ito ang pundasyon ng Rule of Law na kritikal sa isang malayang lipunan. Sa pananaig ng batas makakamit ang tunay na demokrasya, kalayaan at kaayusan.

Hindi ito nangangahulugan na hindi maaring i-relax ang pagpatupad ng batas kapag hinihiling ng pagkakataon at kung may katwiran. Halimbawa: ang karapatan ng mamamayan na malayang ipahayag ang saloobin. Hindi nanga­ngahulugan na libre siyang magsabi ng kahit anong gustong sabihin. May mga uri ng expression na bawal pa rin – gaya ng mga malaswa at mga libelo.

Mayroong sitwasyon na may limitasyon ang pagpatupad ng batas. At madalas, ang limitasyon ay hango rin mismo sa batas.

Itong nakaraang linggo ay nasubukan ang ating pagkaintindi sa batas trapiko nang ipaliwanag ni Congressman Rodolfo Fariñas, Majority Leader ng Mababang Kapulu­ngan, na ang mga Kongresista ay hindi maaring arestuhin sa paglabag ng batas trapiko habang ang Kongreso ay may sesyon.

Marami ang nadismaya. Nakaligtaan nila marahil na hindi si Cong. Fariñas ang may panukala nito kung hindi ang mismong taumbayan nang inaprubahan natin ang Saligang Batas. Ayon sa Sek. 11 ng Artikulo 6: “Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa lahat ng mga paglabag na may parusang pagkabilanggong hindi hihigit sa anim na taon, ay dapat na may pribilehiyo laban sa pagkaaresto habang may sesyon ang Kongreso.”

Ayaw nating masilayan muli ang anino noong martial law na pinipigilan, kahit walang kadahilanan, ang ating mga mambabatas sa pagdalo sa sesyon. Sa isang demokrasya, ang pinakamahalagang koneksyon ay ang relasyon ng botante sa kanyang kinatawan. Ang tinig ng huli ang siyang tanging paraan kung paano makikilahok si Juan de la Cruz sa maayos na pamamalakad ng lipunan. Kailanman ay hindi ito maaring hadlangan.

Ang paalala ni Cong. ay minasama ng marami. Marahil ay damay ng pagkasuya ng madla sa inaasal ng mga Kongresista, tulad ng pagtanggal ng budget ng Commission on Human Rights. Walang maling sinabi ang butihing Congressman. Mali lang ang kanyang timing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with