^

PSN Opinyon

Pangalawang pagkakataon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY lumabas na salaysay ukol sa hazing victim na si Horacio Castillo III. Labindalawang taon na ang nakalilipas, nasunog ang bahay ng mga Castillo. Si Horacio na 10 taong gulang noon, kasama ang kanyang ama ay nailigtas ng mga bumbero nang maipit sa bahay nilang nasusunog. Si Lords Hernandez na noon ay isang imbes­tigador ng arson, ay nakunan pa ng litrato habang sina­sagip si Horacio. Kaya naman lubos na nadismaya nang malaman ang sinapit ng kanilang naligtas. Naligtas ng mga di-kilala, pero pinatay naman ng “brod”. Nabigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay na nauwi lang sa oportunidad para sa mga kriminal na tuluyan na siya.

Alam ng mga magulang ni Guillo Cesar Servando kung ano ang nararanasan ng mga magulang ni Horacio. Napatay din ang kanilang anak sa isang walang kabuluhang hazing ng mga miyembro ng Tau Gamma fraternity sa College of Saint Benilde noong 2014. Sa katunayan, maraming pagkakatulad na ibinabahagi kay Guillo at Ho­racio. Ngunit habang naghahandog sila ng pakikiramay sa mga hindi inaasahang masasali sa pangkat ng mga magulang na nawalan din ng mga anak sa parehong paraan, patunay rin sila sa hindi patas na hustisyang nakamit nila. Tatlong taon makalipas ang krimen, wala sa mga sangkot sa pagpatay ang naparusahan. Malaya ang mga ito, malamang na mas masaya pa ang buhay kaysa sa mga magulang ni Guillo, na naghihintay pa rin ng katarungan. Ang isang teknikalidad, o sa madaling salita, mga magagaling na abogado, ang naging dahilan para mabasura ang kaso laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpatay.

Talagang panahon upang baguhin ang Anti-Hazing Law at bigyan ito ng mga ngipin. Masyadong madalas na ang mga nasasangkot sa pagkamatay ng mga neophytes ng fraternity ay tila pitik lang sa kamay ang tinatanggap, na para bang aksidente lang ang naganap. Ang nasaktan sa isang aksidente sa sasakyan ay isang kapus-palad na kaganapan. Ang sinasadyang paghagupit ng isang tao gamit ang paddle kasabay pa ng iba pang mga paraan ng pananakit ay hindi isang kapus-palad na kaganapan kundi isang krimen. Isang kasuklam-suklam na krimen, na dapat may kaukulang parusa.

May mga panawagan sa mga Pilipino sa US, partikular sa Chicago, na tumulong sa paghanap kay Ralph Trangia na pinaniniwalaan na tumakas sa nasabing lungsod. Si Trangia ay tumakas patungong Chicago isang araw bago ilabas ng DOJ ang immigration lookout bulletin order. Pinatutunayan lamang nito ang kanyang malaking pagkakasala sa krimen. Kailangang kanselahin ang kanyang pasaporte upang malimitahan ang kanyang pagkilos. Paliitin ang mundo bilang isang pugante. Hindi ako magtataka, batay sa kanyang marahas na nakaraan sa karibal na fraternity, kung sa kamay niya namatay si Horacio. Kung bakit pa siya pinahintulutan na lumahok sa hazing  kahit may rekord na ay nagpapakita lamang ng kawalan ng pananagutan ng maling kapatirang ito ng mga umaasang maging abogado. Umaasa ako na may mga nasa US na makikinig sa panawagan para matukoy si Trangia, at mabalik sa bansa para humarap sa hustisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with