^

PSN Opinyon

Barangay captains ng Marawi City

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKA ako kung bakit mag-aapat na buwan na ang military assault sa Maute group sa Marawi City ay hindi naging involved ang local executives, partikular ang barangay captains kung paano pupuksain ang mga kalaban.

Nagtataka ako kung bakit hindi ginagamit ng militar ang barangay captains gayong sila ‘yung may alam kung sinu-sino ang kanilang constituents at kung saan dumadaan ang mga sinasabing tunnel na ginagamit ng Maute sa kanilang pakikipaglaban sa government forces at pagtatago ng kanilang hostages.

Nagtataka ako kung bakit hindi nakipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines sa local officials ng Marawi sa pakikipag-upakan sa Maute.

Nagtataka ako kung bakit mas binomba at binomba pa ng Air Force ang mga hinihinalang kuta ng Maute kaysa hingin ang tulong ng local officials para matunton kung saan nagtatago ang mga terrorista.

Nung isang gabi ko lang naintindihan ang lahat nang ipinakita ni President Duterte sa amin sa isang dinner para sa Davao media ang matrix ng drug trade sa Marawi.

Nandun ang drug lords na tinataguriang naghahari sa Marawi City, Lanao de Sur at maging sa karatig lugar na Ozamis City.

Ngunit higit na nakatawag ng aking pansin ang listahan ng mga ibang sangkot sa drug matrix ng Marawi at Lanao del Sur. Nang makita ko ang listahan ng mga sangkot sa matrix, lumutang na puro barangay captains at iba pang local officials ang nakasulat. 

Ayon sa Presidente ang nasabing matrix ay resulta ng tatlong buwang pagsiyasat ng drug activities.

Oo nga naman. Kung gagamitin ng militar ang local officials, lalo na ang barangay captains, mas malaking kapahamakan ang dala nito sa mga sundalo.

Sinabi ng Presidente na hindi na nga mapagkatiwalaan ang local officials, lalo na ang opisyales ng mga barangay sa Marawi.

At ngayon naintindihan ko na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with