^

PSN Opinyon

Pondo ng CHR binigay din

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NABUHAYAN ng loob ang Commission on Human Rights (CHR) matapos ipagkaloob ng House ang P508 milyong pondo. Iyon nga lang may natapyas dito mula sa orihinal na P623 milyon. Mas mainam na ito kaysa P1,000 lamang ang kanilang paghahati-hatian. Ngunit may kapalit ito dahil mag-iimbestiga na rin ang CHR sa mga karumal-dumal na krimen dahil sa pagkalulong sa iligal na droga. Ayon kay Davao Rep. Karlo Alexis Nograles, chairman  ng House Committee on Appropriations, nangako sa kanila ang CHR na mas palalawakin pa ang kanilang mga ginagawang imbestigasyon sa mga krimeng nagaganap sa sambayanan at hindi lamang sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagawa ng estado. Ang tinutukoy dito ay ang napapatay ng mga pulis sa pakikipaggiyera laban sa droga.

Lumambot si CHR chairman Chito Gascon sa kanyang pakikipagbanggaan kay Pres. Rodrigo Duterte. Na­ngako ito na iimbestigahan na rin nila ang mga paglabag sa karapatang pantao kabilang na ang drug related cases. Ang masakit kung maibibigay man ang milyones na pondo ng CHR, bawas na ang travelling expenses, representation expenses at subscription expenses. Para kay Nograles, kahit na kinaltasan man ang pondo ay hindi naman maaapektuhan ang mga programa ng CHR sa susunod na taon.

Samantala, sinabi nina Gabriela Women’s Party Re­presentatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas na kaya ibinalik ang pondo ng CHR ay dahil sa pag-iingay nila sa kalye. May katwiran ang mga taga-Gabriela dahil noong Huwebes nagkaroon ng show of force ang pro at anti-Duterte protesters sa idinaos na “National Day of Protest” sa paggunita sa ika-45 anibersaryo ng pagdeklara ng martial law. Ang grupo ng mga militante ay nagdaos ng kanilang pag-iingay para tuligsain ang walang puknat na patayan sa programa ni Digong laban sa droga. Ang grupo naman ng pro Duterte ay nagdaos ng pagpapahayag ng magagandang ginawa ng Presidente. Ang masakit nito inabutan sila ng malakas na ulan sa kalye kaya hindi kataka-taka na marami sa kanila ang inuubo at sinisipon ngayon.

Samantala kung libu-libo man ang nagkasakit dahil sa matinding pagkabilad sa araw at biglang maulanan sa show of force ng pro at anti-Duterte, sa Lunes (Set. 25) dakong 8:30 a.m. magkakaroon ng parada sa Tanauan City, Batangas. Ayon kay Gerry Ladesma, magkakaroon ng “Walk of Change”  bilang bahagi ng unang batch of drug surrenderees who completed the SIPAG  (Simula ng Pag-asa) program, a moral recovery program for victims of substance abuse co-sponsored by the City Government, Tanauan PNP, and Tanauan Evangelical Alliance of Ministries (TEAM). Ang parada ay pangungunahan ni Tanauan Mayor Thony Halili, Association of Barangay Councils, iba’t ibang grupo ng CSOs  kasama na riyan ang 200 graduates. Magsisimula ang parade sa Plaza Mabini patungong Public Market pabalik ng Tanuan Gym-1. Patunay lamang ito na kahit mabagsik si Halili sa mga durugista at kriminal may nasagip naman silang mga inosenteng biktima ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with