^

PSN Opinyon

Kuyog

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG may magandang sinabi si Gen. Ronald dela Rosa magmula nang maging pinuno ng PNP, ito ay ng kanyang sabihin na gusto niyang umiral ang kultura ng “kuyog” sa PNP. Kukuyugin umano ng mga matitinong pulis ang mga tiwali. Iyan ang dapat niyang ipinatutupad. Sinabi ko na noon na walang magagawa ang pag-iyak niya sa Senado, na dalawang beses na niyang ginagawa. Ang dapat nga ay magalit siya sa mga pulis na sumisira sa imahe ng PNP. Mga binubura ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan. Mga walang respeto sa batas, at walang pakialam sa hindi pagsilbi sa publiko. Mga pulis na sa totoo ay mga kriminal naman. Siguro naman hindi na magiging pulis ang 200 kumuha ng eksaminasyon na hinihinalang nandaya.

Sigurado ako na mayroon pang mga pulis na mabubuti. Mga hindi nasisilaw sa pera at tanging serbisyo ang hangad para sa lahat. Noong sinibak ang buong Caloocan police force, may mga nagsabi na kawawa naman ang mga ma­ba­bait at maayos na pulis na nadamay lang. Kung ganun, dapat nga sila magalit, hindi ba? Sundan na nila ang gusto ni Dela Rosa. Kuyugin na nila ang alam nilang mga tiwaling pulis. Sigurado alam nila iyan, ayaw lang magsalita dahil ayaw mabansagang traidor at kung ano pa. Pero masama na nga talaga ang imahe ng kapulisan ngayon. Kailangan ang paglinis ng hanay ay magmula na sa kanila. Kailangan ang pagpurga sa mga masasamang pulis ay magmula na sa kanila.

Itinaas din ni President Duterte ang pabuya para sa paghuli sa mga tinatawag na “ninja cops”, o mga pulis na nagbibigay proteksyon sa mga sangkot sa iligal na droga. Sila rin umano ang nagbebenta ng mga nakukumpiskang droga sa mga operasyon. Sa ngayon ay wala pa raw nahuhuli. Tulad nga ng sabi ko, baka may “kasunduan” na walang pulis ang maglalaglag sa kapwa pulis, kahit gaano pa kasangkot sa katiwalian. Kailangang mawala na ang “kasunduang” ito. Itinaas na sa P3 milyon ang pabuya, mula sa P2 milyon. Malaking pera na iyan. Sana nga ay magbunga na ang programang ito ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with