^

PSN Opinyon

America ayaw tayo mapalapit sa China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGSESELOS umano ang America dahil napapalapit­ ang Pilipinas sa karibal niyang China. Matindi ang tagi­san ng America at China sa South China Sea, na bahagi ng Pacific Ocean. Inaangkin ng China ang buong SCS, kaya nag-aalala ang America na masasakal ang $1.3-tril­yong kalakal na ibinabiyahe sa karagatang ‘yon taon-taon. Inaasahan niya ang Pilipinas na awayin ang China, lalo na’t kasama sa inaangkin nito ang pitong bahura sa Philippine exclusive economic zone.

Pero, teka, hindi lang Pilipinas ang napapalapit nga­yon sa China. Lahat ng iba pang kakampi ng America ay iniimbita ang China na mamuhunan sa kani-kanilang lupain­. Maaalala na red-carpet ang pagsalubong ng Great Britain sa London kay Chinese president Xi Jinping nu’ng 2016. Nauna roon, dumagsa na ang kalakal ng China sa Australia. At kasunod noon ay pinasinayahan din ang China sa France at Netherlands. Nito lang Hulyo pumasyal si Xi sa Berlin, Germany. E kung malalaking bansa ay kailangan ng puhunang Chinese, lalo pa ang pobresitong Pilipinas.

Tsaka hindi mapagkakatiwalaang mutual defense ally ng Pilipinas ang America. Nu’ng 2013-2014, habang dine­demanda ng Pilipinas ang China sa UN tribunal dahil sa pag-agaw sa Scarborough Shoal, nakunan ng mga US satellites ang pagre-reclaim at pag-aarmas ng pitong bahura. Pero hindi tayo sinabihan ng America. At nang manalo tayo nu’ng Hulyo 2016 sa UN tribunal, sinabihan tayo ng America ng mag-isang makipag-usap sa China para umalis ito sa Scarborough. Nakipag-usap nga si President Duterte: inimbita ito mamuhunan sa Manila at isina-isang-tabi ang desisyon ng tribunal.

Ngayon, maktol ng America, ipamimigay na umano ni Duterte sa China ang mga bahura, kapalit ang kalakal. Pero wala naman itong inaalok na tulong militar sakaling magkainitan muli ang Pilipinas at China. Akala ng America sunud-sunuran pa rin tayo na parang kolonya.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with