^

PSN Opinyon

Paglaban sa extremism pananaw ng Muslim

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA MGA talumpati sa paaralan, kampo militar, at samahang sibika, isinusulong ni Turkong Muslim Dr. Cihangir Arslan ang pagkakasundo ng mga relihiyon. Tinutuligsa niya ang ekstremistang paniniwala, na nagbubunsod ng terorismo. Mga puntong idinidiin niya:

l Ano ang kahulugan ng Islam? Ito’y salitang Arabo, na ang ugat ay “kapayapaan, kalinisang-puri, at pagsuko at pagsunod sa Diyos.”

l Ano ang ekstremismo? Pinaka-malayo, mula sa sentro; sa relihiyon ito’y paglayo sa wastong turo at sampalataya.

l Isinusulong ba ng Islam ang ekstremismo? Tinatalikuran ng Islam ang ekstremismo. Nais ng Islam ang balanse: sa sampalataya, kilos, at batas. Turo ng Islam na pantay ang lalaki at babae, at mag-intindihan ang iba’t ibang relihiyon. Sa Istanbul nakatayo magkakatabi ang isang simbahan, isang synagogue, at isang mosque. Sadyang itinayo sila magkakatabi nu’ng panahon ng Otto­man Empire, na nagsulong ng Islam. Tatagal ba sila nang mahigit 400 taon, sa iisang bansa at para sa mga magkakapitbahay kung ang Islam ay maka-esktremista?

Nang sakupin ng Ottoman ang Istanbul (Constantinople) tiniyak ni Sultan Mehmet sa mga Kristiyano ang kalayaan at kapayapaan; nagpadala siya ng tropa para protektahan sila.

Nag-uusap ba ang mga relihiyon sa Islam? Oo. Ang una’y nu’ng panahon ni Prophet Muhammad, bago tumungo ang mga Muslim sa Medina mula Mecca, nang inaapi sila ng mga pagano. Inatasan niya ang mga Muslim na magtago sa Abyssinia (Ethiopia) kung saan ipagtatanggol sila ng makatarungang Haring Najashi, miski kinakaibigan ito ng mga pagano. Ikalawa nu’ng bumisita ang mga Kristiyano ng Najran sa Medina, sinalubong sila ng Propeta at hinayaang manalangin ng paraang Kristiyano sa loob ng mosque roon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with