PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

LTO - NCR, overtime sa DL backlog

Pursigidong tapusin sa sistematikong paraan ng pamunuan ng LTO sa pangunguna ni Atty. Clarence V. Guinto, LTO - NCR regional director kasama ang LTO union ang 1.3 million driver’s license backlog sa National Capital Region bago matapos ang taon sa pakikipagtulungan ng  LTO - NCR union members.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanga­ko ang mga empleyado ng LTO - NCR na magtatrabaho sila kahit Sabado at Linggo para mai-print at maipamahagi ang 1.3 million backlog sa mga driver’s license card na mayroong limang taong validity sa National Capital Region o Metro Manila.

Ika nga, kayod marino para sa overtime!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isinagawa ng mga empleyado ang ‘promise’ sa pamamagitan ng isang Board Resolution na may  petsang September 11, 2017 na ipinalabas ng LTO - NCR Employees Union.

Naku ha !

Ang galing nito kapag nagkataon hindi lang ang madlang drivers ang matutuwa dito kundi pati ang malakanin este mali Malacañang pala.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa pangyayaring ito nagpasalamat naman si Atty. Guinto sa inisyatiba ng kanilang mga empleyado na mag-overtime sa Sabado at Linggo para matapos ang nakabimbing mga driver’s license.

Ibinida ni Guinto sa mga kuwago ng ORA MISMO, na isinasagawa ng mga employees ang WOW culture na natutunan nila sa Shakey’s.

Sabi nga, hindi sa pagkain ng pizza kundi nagtagisan sila ng talino para matapos na ang matagal ng problema sa lisensiya ng madlang people !

Sabi ni Guinto sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 49 na empleyado ng LTO kasama ng siyam na district chief ang dumalo sa “Excellent Guest Service Seminar” sa Shakey’s WOW Center, Parañaque City last September 8 at 9, 2017.

Ayon kay Guinto, natutunan nila sa kanilang seminar ang tatlong imperatives ng WOW: better than before, better than expected, at better than others.

Ika nga, wowoweee. Hehehe !

Ang pangulo at CEY ng Shakey’s Asia Ventures Inc. na si Vicente L. Gregorio ay napahanga na ang isang ahensiya ng pamahalaan na tulad ng LTO ay nakipag-partner sa kanila para matutunan ang prinsipyo ng excellent guest service na  hallmark ng food industry. 

Tinalakay din niya sa LTO kung paano sisimulan at pananatilihin ang kultura ng WOW sa food at public service.

Ang mga pangunahing opisyal ng LTO-NCR Employees Union lalo na yaong mga nakatalaga sa Licensing Center ay dumalo sa seminar at bumuo ng Board Resolusyon na naglalayong suportahan ang pag-imprenta sa Driver’s License backlog.

‘Mabuti na lamang at pursigido si Guinto na ayusin ang problema at tulungan ang mga taga - LTO - NCR para maihatid sa lalong madaling panahon ang backlog ng driver’s license.’ sabi ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Abangan.

 Kawawang CHR, na bully ?

NAGTATAKA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung paano pagkakasyahin ni CHR chairman Gascon ang P1,000 budget na ibinigay ng House of Representatives sa kanila the other day sa ginawang 2018 budget hearing.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paglapastangan daw ito  sa konstitusyon at sa human rights ang ginawang paglalaan ng Kongreso ng P1,000 budget sa CHR next year.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binira ni VP Leni Robredo ang hakbang na isang paraan lamang nang kagustuhang mapawalang bisa ang CHR na nangangalaga sa ‘human rights’ ng madlang people na nadadamay na mabiktima sa patuloy na kampana este mali kampanya pala ng gobierno kontra illegal drugs.

”Nagbabadya ito ng kawalan ng respeto sa Constitution at sa karapatang pantao—parehong banta sa demokrasya,laluna sa konteksto na laganap ang karahasan at tigukan, tunay na nakakabahala ang mensaheng ibinibigay ng pagpilay sa mismong ahensyang dapat nagpapatibay ng ating mga karapatan,” birada ni Leni.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang P1k budget sa Kamara ay maisasalba sa House of Senate dahil siguradong mabubusisi ito dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay pinapalagan na ni Senator Frank Drilon ang P1k budget ng CHR.

Ika nga, hindi ito mangyayari sa Senado!

Sa botong 119- 32, naaprubahan ng Kongreso ang panukala ni Sagip partylist Rodante Marcoleta na gawing P1k ang budget ng CHR  next year pero tiyak busisian blues ito sa Senado.

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: