^

PSN Opinyon

Sangkot man o hindi….

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYON, halos lahat na ang nagkokondena sa pagpatay kay Kian delos Santos, at nananawagan na imbestigahan ang insidente para malaman ang katotohanan. Mismong si Pres. Rodrigo Duterte ang nagpahayag na kapag napatunayan na umabuso ang mga pulis at rubout ang ginawa, ipakukulong niya ang mga ito. Kaliwa’t kanan din ang pahayag mula sa mga tagasuporta ni Duterte na hindi niya palalampasin ang pang-aabuso ng mga pulis. 

Tama ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na sangkot man sa iligal na droga si Kian o hindi, hindi siya dapat pinatay. Lumabas ang resulta ng awtopsiya na ginawa kay Kian ng Public Attorney’s Office (PAO). Batay sa tama niya sa likod at dalawang tama sa taynga, sadya ang pagpatay at siniguradong patay si Kian. May naniniwala pa ba na nakipagbarilan si Kian sa mga pulis, ngayong alam na kung saan siya binaril? Isama na ang CCTV at mga testigo na handa nang magsalita tungkol sa nangyari, malakas ang ebidensiya laban sa tatlong pulis.

Pero ganito na ba ang nasa isip ng ilang pulis ngayon, na puwede nilang gawin ang ganitong klaseng pagpatay kaninoman, basta operasyon umano kontra iligal na droga­ lang ang dahilan? Sino ang naglagay sa isip nila na ito ang tatanggapin na kalakaran ngayon, kung hindi naman daw ito utos ni Duterte at PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa? Ito na ba ang resulta nang malakas na suporta ni Duterte sa mga pulis, na tatanggapin ang pagpatay sa isang 17-anyos na estudyante dahil sangkot umano sa droga? O may iba pang dahilan? 

Ayon kay Dela Rosa, magpapatuloy ang kampanya ng PNP kontra iligal na droga. Sinibak na ang ilang opisyal ng PNP dahil sa insidenteng ito, kabilang ang tatlong pulis, hepe ng Caloocan City police at hepe ng Northern Police District para mabigyan ng daan ang imbestigasyon. Pero naniniwala ang marami na hindi si Kian ang huling mapapatay ng mga pulis sa kanilang mga operasyon kontra droga. Nakatanim na sa maraming pulis na ganito na nga ang kalakaran ngayon. Naisaulo na ang “nanlaban kaya napatay” na paliwanag kapag may mapapatay. Kailangan malaman nang lahat ng nakakasang imbestigasyon kung bakit ganito ang sinapit ni Kian sa kamay ng mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with