^

PSN Opinyon

‘Lahat sila kaya kong palayasin’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KATIWALIAN ang sumisira sa Pilipinas. Nagpapasuhol ang mga pambansang burokrata at lokal na opisyales sa mga kontrata at kumikiling na patakaran ng ahensiya. Gan’un din ang mga mambabatas para sa mga proyekto at di-patas na batas. At ang mga huwes, state auditors, at Comelec officials para sa mga baluktot na desisyon.

Sa korapsiyon nagmumula ang iba pang mga sakit ng lipunan. Lumala ang salot na droga dahil sa narco-politics: nagpasuhol sa narco-syndicates ang mga politiko, mambabatas, lokal na opisyales, pulis, prosecutors, at mga huwes. Lumala ang patayan at nakawan dahil sa kahinaan ng pulisya; ibinulsa ng mga kawatang heneral ang pondong pang-training at pang-kagamitan. Nakakapag-abuso ang mga oligarchs at monopolista dahil protektado sila ng mga mambabatas, burokrata, at huwes. Nananatili ang political dynasties para makapagnakaw at mangalap ng poder; namimili sila ng boto para dito.

Pahayag ni President Duterte handa siya manibak ng sinomang appointees niya miski alingasaw pa lang at walang mabigat na katibayan ng katiwalian. “Dahil ako ang nagpuwesto, lahat sila kaya kong palayasin,” aniya. Nagbulaan lang si dating interior secretary Ismael Sueno, sinibak na niya, ayon sa balita. Pati matagal nang kaibigan at election campaign spokesman Peter Laviña ay tinanggal dahil sa sabi-sabi. Dalawang fraternity brods, Michael Robles at Al Argosino, ang pinatalsik sa Immigration bureau nang masangkot sa suholan. At 92 na opisyal ng Ehekutibo ng dati at sa kanyang administrasyon ang inalis.

Pero kapag halal na opisyales, hindi raw niya kaya, ani Duterte. Sa mga gobernabor, meyor, atbp., hanggang superbisyon lang daw siya. Kaya hayan, patuloy ang kurakutan sa mga kapitolyo at munisipyo.

Lalong iiwasan ni Duterte ang Lehislatura at Hudikatura. Kasi co-equal branches sila ng Ehekutibo. Iaasa niya ang paglilinis ng kani-kanilang bakuran ang Senate President, House Speaker, at Chief Justice.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with