^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Source ng shabu ang tutukan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Source ng shabu ang tutukan

DAHIL sa matinding kampanya ng pamahalaan sa illegal na droga, maraming napapatay na “tulak” dahil nanlaban. Halos araw-araw ay may napapatay ang mga pulis. Noong Miyerkules, nagsagawa ng one time, bigtime operations ang Bulacan-PNP at 32 ang napatay. Kinabukasan, nagsagawa rin ng drug operations ang Manila Police District at 25 ang napatay. Noong Sabado, 12 ang napatay sa drug operations sa Camanava area.

Pero sa kabila na araw-araw ay may napapatay na drug suspects, hindi pa rin maubos ang shabu at lalo pang dumadami. Kaya mabawasan man ang mga nagtutulak, magpapatuloy pa rin ang pagdagsa ng shabu sa bansa.

May makumpiska man na isang kilong shabu ang mga awtoridad, ang kapalit naman nito ay daang kilo ng shabu na pinupuslit sa bansa at idinadaan pa sa Bureau of Customs (BOC) kasab­wat ang mga corrupt na opisyal. Tatapalan lang ang mga corrupt sa Customs at malaya nang makakalabas ang shabu na isinasama sa iba pang kargamento kagaya ng kitchen wares.

Halimbawa nito ay ang naipuslit na 604 kilos ng shabu mula sa Xiamen, China. Nailabas sa Customs ang shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon at humantong sa warehouse sa Valenzuela na pag-aari ng isang Tsinoy. Ang pagkakapuslit ng shabu ang yumayanig ngayon sa Customs. Maraming opis­yal ng Customs ang nasasangkot sa korupsiyon makaraang ituro ng broker na si Mark Taguba na tumatanggap ng tara o suhol. Pinagbibitiw naman ng mga mambabatas si Customs commissioner Nicanor Faeldon. Sabi ni Faeldon, ilang beses na siyang nagsabing magbibitiw pero ayaw daw ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa kabila na sandamakmak ang shabu na napalusot sa Customs, malaki pa rin ang tiwala niya kay Faeldon.

Galit sa droga si Duterte at lagi niyang binabanggit sa kanyang talumpati na hindi siya papayag na masira ang kinabukasan ng mga kabataan dahil sa droga. Kaya matindi ang kampanya ngayon laban sa illegal drugs. Pero nawawalan ng silbi ang drug campaign dahil patuloy nga ang pagpupuslit ng droga sa Customs. Parang naglolokohan lang sa ganitong sitwasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with