PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jeepney phaseout para ba kanino?

TOTOONG lumang disenyo na ang jeepney. Pagpatsa-patsa lang ‘yon ng mga napaglumaang General-Purpose vehicles ng US military makalipas ang World War II. Totoong peligroso na ang jeepneys sa mga megalopolis. Dahil sa likod ang babaan at sakayan, nanganganib mahagip ng ibang sasakyan ang mga pasahero. Totoong mapanira sa kalikasan ang engine emissions ng jeepneys. Ito’y dahil reconditioned diesel engines lang ang mga makina -- mga napaglumaan mula sa Japan.

Pero rason ba lahat ‘yon para i-phaseout ang jeepneys? Naisip ba ng mga awtoridad na kapag ipinagbawal na ang jeepneys, daan-libong maliliit na entrepreneurs ang mawawalan ng hanapbuhay?

Kung disenyo ang problema, maari ito baguhin at itulad sa e-jeepneys na sa kanan ang mga sakayan at babaan. At gawing battery-operated ang mga makina, o kaya’y mga modernong diesel engines. At para matulu­ngan ang jeepney operators at drivers, dapat pautangin sila ng pangmatagalan at walang interes para palitan ang mga kakarag-karag nang units. Sino ba ang ayaw sa bago?

Kung basta lang palalayasin sa daan ang jeepneys, sino ang makikinabang? Siyempre, ang fleet operators -- mga milyonaryong kayang bumili ng maramihang pamalit na bus o UV Express. Malamang pa nga na reti­ra­dong heneral ang ilan sa mga ‘yan, mga dati nang nang­ko-colorum kaya nagkaka-trapik sa mga lungsod at nalulugi ang gobyerno sa buwis.

Isa pang makikinabang ay ang malalaking pabrika ng sasakyan. Imbis na magpagawa ng jeepneys sa maliliit na assemblers sa probinsiya, bibili ang fleet operators sa malalaking pabrika sa Metro Manila. Ang manufacturers na ito ang may lobby money na panggastos para paburan sila ng mga mapaniil na patakaran ng gobyerno.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: