^

PSN Opinyon

‘Dummy’ problema

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NATAWA ako sa tinuran ni Sen. Chiz Escudero kaugnay ng pagsisiyasat ng Senado sa P6-bilyong halaga ng droga na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC).

Aniya, hindi natutukoy ang tunay na consignees na dapat panagutin dahil napakaraming hanay ng mga dummy mula sa mga consignees, brokers hanggang trucker. Talagang napaka-dummy ng problemang ito. Walang ibig umamin at kung sinu-sino ang itinuturo. Hindi lang napaka-dummy kundi napakadumi ng kalakaran sa BoC na sa kabila ng pagpapalit-palit ng namumuno ay hindi pa rin nawawala ang “tara” system.

At palala nang palala ang problema. Kung ang iniismagel dati ay mga lehitimong kalakal, ngayon ay tone-tonelada nang droga. Puwede marahil pagpasensyahan kung ordinaryong consumer goods ang ipinupuslit pero ang droga ay hindi dapat kunsintihin kailanman. P6-bilyong halaga ng shabu ang nasabat, pero sinasabing may P2 bilyong halaga pa ang nawawala.

Ang mangyayari niyan ay iikot na sa merkado ang shabu na ito na naipalusot at magsisimulang manira ng mga kababayan nating Pilipino, lalu na yung kabataan.

Gusto kong bigyan ng benefit of the doubt si BoC Commissioner Nicanor Faeldon, pero mahirap isipin na ang namumuno sa isang organisasyon ay walang nala­laman sa ano mang kaso ng pagpupuslit. By principle of command responsibility, he is accountable. Balita ko, hindi siya nakadalo sa hearing ng Senado dahil nagkaroon daw ng “mild heart attack.”

Sabi nga ni Sen. Dick Gordon: “no such thing as mild heart attack” dahil palaging seryoso ang ano mang atake sa puso. Kung ako ang nasa katayuan ni Faeldon, malamang na maaatake rin ako. Aba, malaking pananagutan iyan, may direkta man akong kinalaman o wala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with