^

PSN Opinyon

Digong vs Poe

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Maganda naman ang layunin ni Sen. Grace Poe nang punahin niya kamakailan ang mga magaspang na pananalita ni Presidente Duterte laban kay dating Presidente Aquino.

Hindi nga naman maganda ang mga salitang “gago, gunggong” at kung anu-ano pang salitang masakit sa tenga para isahimpapawid sa pambansang telebisyon at maka-impluwensya sa mga batang nakakarinig. Taha­san pa niyang sinabi na “puputulan kita ng ulo” sa dating Pangulong Aquino kung ito’y papasok sa droga.

Ang walang gatol na tugon ng Pangulo kay Poe ay huwag pakialaman ang bunganga niya. Tingin ko nama’y hindi adversarial ang pagkakasabi ni Senadora Poe. Wika nga, pagpapahayag lamang ng kanyang opin­yon at sa isang usapin at kung ano ang puwedeng ibu­nga nito sa murang isipan ng mga bata.

Tumpak naman ang sinabi ng Senadora na ang kahit sinong nasa mataas na posisyon ng kapangyarihan sa gobyerno ay dapat bantayan ang mga salitang luma­labas sa bibig. Lalu na sa larangan ng diplomasya, ang munting pagkakamali sa salita ng isang leader ay baka mauwi sa isang digmaan.

Sa buhay na ito, may mga values na hindi puwedeng mabago, kasama diyan ang  disenteng pananalita. Ayos ang determinasyon at political will ni Duterte. Maraming bilib diyan. Ngunit hindi katuwiran yung sinasabi niya na hindi siya inihalal bilang statesman kundi bilang Pangulo at walang sino man ang puwedeng magmungkahi sa kanya na baguhin ang estilo ng pananalita.

Hindi natin pipilitin ang Pangulo na magbago, kung yun ang paniniwala niya pero huwag ding supilin ang paghahayag ng ibang tao ng kanilang kuru-kuro at palapalagay sa kanyang estilo ng pamumuno. Kung puro papuri lang ang tatanggapin niya mula sa ibang tao at hindi pagpuna sa mali, diktador ang kalalabasan niya.

Sa mga tumpak na ginagawa niya ay pupuri tayo at sasaludo. Pero hindi nangangahulugan na yung inaakala natin mali ay hindi na natin tutuligsain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with