^

PSN Opinyon

Disiplina sa lansangan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ko na mas marami nang mga nakatayong pedestrian overpass sa lungsod. Mabuti ito para sa mga tumatawid ng mga peligrosong kalsada. Kaya nga itinayo ang mga iyan ay para ligtas ang mga nais umabot sa kabilang bahagi nang malalaking kalsada. Pero meron pa ring mga pasaway na ayaw gumamit ng mga overpass na iyan, at pipiliting makipagpatintero na lang sa mga sasakyan para lang makatawid. Jaywalking ang tawag sa pagtawid sa hindi tamang lugar, at paglabag ito sa batas.

May kampanya ngayon ang MMDA laban sa jaywalking. Libo-libo na nga ang nahuli ng ahensiya. Ka­ila­ngang mag-attend ng seminar ang mga mahuli, o magbayad ng multa. Natatandaan ko noon ay ipinatupad ng siyudad ng Maynila ang pansamantalang pagkulong ng ilang oras sa mga lumalabag sa jaywalking­ sa mga seldang itinayo sa kalsada mismo. Baka kaila­ngan ng mas mabigat na parusa o multa na ang jaywalking­, para lang sumunod ang mga pasaway. Maiin­tidihan ko kung may kapansanan at mahihirapang umakyat ng hagdan. Ito rin ang dapat tukuyan ng MMDA. Gawing “PWD friendly” ang mga tawiran.

May mga nahuli na rin sa “nationwide anti-smoking” na ipinatupad na ng gobyerno noong Lunes. Mga naninigarilyo sa hindi nakatakdang lugar. Bawal na ang manigarilyo kung saan-saan, partikular sa mga publikong lugar. Kailangan manigarilyo lang sa mga itinalagang “smoking area”. Ayon sa ilang nagtitinda ng sigarilyo, naramdaman kaagad nila ang bawas sa benta. Pinatutupad na rin ang Anti-Distracted Driving Act, kung saan bawal na ang mag-text at gumamit ng telepono habang nagmamaneho ng sasakyan, kahit nakahinto. Mabigat na ang multa kung mahuling lumalabag. Sang-ayon ako sa mga kilos na ito ng gobyerno, para magkaroon talaga ng disiplina sa lansangan. Pero kung ganito rin lang ang direksiyon ng gobyerno, isama na rin nila ang mga lumalabag sa iligal na pagparada ng sasakyan, at pagsalubong sa trapik o “counterflowing”, kung tawagin. Tila dumarami na naman ang mga lumalabag dito, partikular mga may kilala o kaugnayan sa gobyerno. Huwag na sanang maghintay na hindi kanais-nais na pangyayari, kung saan may masaktan pa, o kaya ay may mamatay pa, dahil lang sa alitan sa kalsada. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with