^

PSN Opinyon

Maute, BIFF, AKP puro kabulaanan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT 12 oras nu’ng Hunyo 21 nilusob ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kampo ng militia sa Pigcawayan, North Cotabato, sinilaban ang public school, at ninakawan ang mga magsasaka. Agad nag-counter-attack ang army, at napatay ang anim na bandido. Sa pagtalilis ng huli, nambihag sila ng limang sibilyang Moro para human shields. Pinabulaanan ni BIFF spokesman Abu Misri Mama ang pagpapahamak sa mga mamamayan. Iniligtas lang daw nila ang lima mula sa putok-bala ng mga sundalo.

Malaking kahibangan ang palusot ni Mama. Nananahimik ang mga sibilyan bago nanggulo ang BIFF. Nawalan ng paaralan ang 15,000 kabataan. Naligalig ang bayan, dahil sa tangkang ibaling ang bakbakan mula sa Marawi City 180 km mula Pigcawayan.

Kahibangan lalo ang propaganda ng kaalyado ng BIFF na Ansar al-Khilafa Philippines (AKP). Nililinlang nito ang mga bata, edad 10-15 na tumulong sa pagtatag ng probinsiya ng Islamic State sa Marawi City. Pagda­ting pa lang daw sa Marawi, agad tatanggap ang mga magulang ng P100,000, at pagkatapos ay P25,000 kada buwan. Aba’y tiyak na mapapatay lang ang mga bata sa labanan sa Marawi, dahil gagamitin silang espiya, portero, hostage, at pangkubli ng Maute terrorists doon. Kung patay na sila, paano nila matitiyak ang “bayad” sa magulang nila?

Pinaka-bulaan ang Maute terrorists na nagtangkang itatag ang Marawi bilang capital sa Lanao ng global cali­phate­. Makikinabang umano ang mga Moro dito, dahil pagsasanibin na sa ilalim ng Islamic State ang gobyerno at relihiyon. Uunlad umano ang kabuhayan nila.

Kung totoo ‘yon, bakit nagsilisan ang mamamayan ng Mosul, Iraq, at Raqqa, Syria, nang masakop ito ng IS nu’ng 2015? Bakit libu-libong mamamayang Muslim ang pinugutan ng IS? Kaunlaran o kabulaanan?

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with