^

PSN Opinyon

‘Hindi kami anti-business’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Part 2)

DALAWANG linggo na ang nakararaan ng una kong na­isulat sa kolum na ito ang paglilinaw hinggil sa adhikain ko, ng aming grupo at nang lahat ng aming programa. Marami pa ring batikos ang nakakaabot sa akin dahil sa estilo ng pagtulong at serbisyo publikong aming ginagawa.

Nasabi ko naman na at pangangatawanan habambuhay na “hindi ako anti-business” at kailanman hindi magi­ging daan ang aking mga tao at aming programa na kalabanin ang anumang uri ng negosyo. Ang puti ay puti, ang itim ay itim. Ang mali ay nararapat na itama, ang baluktot ay dapat na ituwid at ang kasamaan ay dapat tuldukan.

Maaaring hindi ko nalinaw sa una kong column na patas ang imbestigasyon at pag-aksiyon na ginagawa namin. For everybody`s information, kinukuha ang panig ng sinumang nirereklamo, mapa-indibidwal man o mapa-tanggapan o establisimento.

Lahat binibigyan ng pagkakataon na mapakinggan ang magkabilang panig upang mangibabaw ang katotohanan at hustisya. Maraming pagkakataon ng nahuhuli naming nagsisinungaling ang nagrereklamo dahil nagpaunlak ang kabilang panig na magbigay ng kanilang pahayag at paglilinaw.

Mas mabilis masolusyunan ang mga problemang inilalapit sa Bitag at Kilos Pronto kung ang nakikipagtulu­ngan ang magkabilang panig. Ang final verdict, siyempre nasa otoridad. Kung ano ang naaayon sa batas na kailangang ipatupad, doon din kami.

Eh kung sinabi halimbawa ng business licensing office ng bawat munisipyo na iligal ang inyong negosyo o may nilabag na batas at kailangang ipasara `yan, eh di ipasara. Hindi naman ako ang nag-utos, `yung otoridad. Sila ang nagsabi kung ano ang nilabag, sila rin ang nagpatupad ng karampatang aksiyon.

Anong naging papel namin? Tagalantad sa publiko upang makapag-ingat, taga-pamagitan ng dalawang panig at taga-abiso sa mga otoridad na may ganitong problema na kailangang bigyan ng pansin at mabilisang aksiyon.

Simple lang naman ang ibig kong sabihin, isang pribilehiyo para sa mga inirereklamo na mapakinggan ang kanilang panig. Ipinaaabot sa inyo ang sumbong laban sa inyong kompanya, negosyo o grupo, sagutin niyo rin ng makatotohanan at wasto. Hindi naman kayo ilalapit sa aming tanggapan kung walang mali. Ke sa panig ng nagrereklamo o inirereklamo dahil walang gusot kung walang lumitaw na isyu.

Anti-business ba ito? Kung hindi mo naintindihan at may mga katanungan at batikos ka pang nais ipahatid sa amin, bukas ang aking tanggapan. Inaanyayahan kita at mag-usap tayo, magmatyag ka kung paano kaming lahat magtrabaho sa opisina.  Sa ikalawang linggo na ng Agosto ha at kasalukuyan akong nasa Amerika!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with