^

PSN Opinyon

Mahal kong Pilipinas

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Itong Pilipinas ay magandang bansa

maliit nga lamang pero pambihira

tatlong pulo itong may sariling wika

sa mapa’y tingnan mo at kahanga-hanga

Naliligid ito ng ilog at dagat

kaya mga tao’y hindi nasasalat

sa dagat at ilog ang  isda’y masarap

sa bayan at nayon may pagkaing sapat

 

Tingnan ang paligid at mapagmamasdan

luntian ang gubat sa hayop ay mayaman

sa buong paligid bundok ay naglisaw

nagtatanod ito sa sigwang daratal

 

May mga panahong bagyo’y dumarating

ang dumi sa bansa’y winawalis mandin

tahanang nawasak naitatayo rin

tahimik ang lahat kung gabing madilim

 

Palibhasa’y bansang may takot sa Diyos

mga mamamayan matapat maglingkod

ang bata’t matanda ay nakalulugod

mabubuting lider siyang sinusunod

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with