^

PSN Opinyon

Siputin kaya ni Imee

ORA MISMO - Pilipino Star Ngayon

ISNABIN kaya muli ni Governor Imee Marcos sa July 25(Martes), ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa isyu ng tanungan blues regarding sa P66.4 million pinabili ng may 115 vehicle units gamit ang pondong dapat napunta sa mga tobacco farmers?

Ano sa palagay ninyo?

Ang pagdinig ay pagkatapos ng SONA ni Boss Digong sa Kamara. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may subpoena nang inisyu ang komite para siputin ni Imee ang gagawin pagdinig.

Kung matatandaan ang tinaguriang Ilocos 6 mga provincial officials ng Ilocos Norte government ay nananatiling naka-confined pa rin sa Kamara.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat magka-bulgaran na para sa mga tanong na kailangan ipaliwanag ni Imee at malaman ng madlang people sa Philippines my Philippines kung ano talaga ang totoo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat sagutin ni Imee ang mga katanungang ito para bigyan linaw ang mga akusasyon ng kanyang mga kritiko tulad nang - bakit hindi nagsagawa ng public bidding sa pagbili ng mga vehicles? Bakit cash advance ang naisipang gamiting pambili? Bakit ginalaw  ang pondong mula sa excise tax sa tabako gayong malinaw naman sa batas na Republic Act 7171 na para lang sa kapakanan ng mga magsasaka ng tabako gagamitin ang pondo? 

Ika nga, May nakinabang bang mga magsasaka sa mga sasakyang ito?  Saan nanggaling at nabili ang mga sasakyan?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puwede naman malaman ang katotohanan mula sa mga documents at iba pang testigo pero bakit nga naman gusto pang kalkalin si Imee kung ok naman ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may problema daw dahil walang original receipt, documents o voucher regarding sa mga kwestiyonableng transakyon ang lumabas sa pagdinig ng komite.

Sabi nga, mukhang walang makita umano sa stockroom ng COA, mga papeles at wala rin diumanong makita kahit isa sa provincial capitol?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pumirma diumano sa papeles o mga nakakaalam sa transaction ay tikom ang bibig kaya tuloy nakulong sila dahil na-contempt sila ng komite.

Ika nga, ayaw umanong makipagtulungan para malaman ang katotohanan?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat si Imee na ang humarap sa komite para malaman mismo sa kanyang bibig kung may anomalya ba o walang nangyari sa paggamit ng salapi at sa bilihan blues ng mga sasakyan.

Ang kalkalan blues ay tungkol sa bilihan nang 40 multicabs sa halagang P18.6 million, limang 2nd hand bus na may P15.3 million at 70 minitrucks na may P32.5 million ito ay last 2011 at 2012 pa.

Sabi nga bakit ngayon lang inukikil?

Mukhang may usaping politika dito? 

Ika nga, malayo pa ang eleksyon may mga gusto ng pumustura para palitan si Imee sa probinsiya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tama si Deputy Speaker Garcia-Albano na si Marcos ang pinakada-best na makakagbigay-linaw tungkol sa mga transaksyon dahil ang pirma niya ay halos nasa lahat ng dokumentong patungkol dito—mula pa sa purchase request hanggang sa pag-isyu ng tseke.

‘Mas maganda kung may mga original documents na madadala si Imee kung darating ito sa pagdinig para patunayan na legal ang mga transaction.’ sabi ng kuwagong maangas.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with